Vampire Make-over

3.9K 115 3
                                    

Clar's POV

Pagkatapos naming isauli ang libro ay dumiretso na ako sa amin.....

Ikwenento ko kay kuya yung sa nakita kong lalake kanina sa campus...

"Yun nga ang nangyari...grabe! Napaka-misteryoso ng aura niya! Naka-black jacket siya tapos ang mga mata niya..napaka-mysterious...duda ko..isa siyang Evil Vampire"

"Hmm...May naisip lang ako...Paano kong ibahin natin ang mga itsura natin"

"Whutt?!! Kuya naman eh! Di ko pinangarap ipa-retoke tong b-e-a-utiful face ko!"

Sinapak ako ni kuya...

"Aray naman! Sumbong kaya kita kina mommy at daddy!"

"Tss..Ang ibig kong sabihin..wag na nating itago ang mga mukha natin...wag na tayong mag-suot ng jacket at hoodie dahil mas lalong nagmumukha tayong bampira! Napaka-obvious lang!"

Napa-five hundred ako....Hmmm....Tama nga rin naman si Kuya Nic2x ko....Mas lalo kaming nagmumukhang bampira sa suot namin! Omerged! Genius ang kuya ko! Mana sa akin!

"Hay! Tama ka dyan kuya ko! Hehe!"

"Ako pa! Wala kabang bilib sa akin?"

"Oo na! Iiwas nalang ako kay sunlight! Hehe...Dapat ko na sigurong mag-mall! I mean...tayong dalawa kuya!"

"Anong tayong dalawa?! Ako at ikaw lang mag-isa mamimili ng damit noh!"

-____-

"Diba sabi ni mommy na bantayan mo ako?!"

Napakamot nalang sa ulo si kuya....

"Sige ka! Pag hindi mo ako sasamahan isusumbong kita kay mo--"

"Oo na! Hayy! Bukas nalang tayo mag-mamall"

"Okie dokie!"

Kinabukasan nga ay nagpunta na kami ni kuya sa mall at namili ng mga damit......

"Kuya2x! Bagay sayo to oh!"

Sabay pakita kay kuya ng isang checkered na long sleeves na polo....

"Ano kaba naman! Pangit nyan! Nagmumukha akong matanda!"

"Ay sus! Hoy! 400 years old kana nga!"

Tapos tinabunan niya ang bibig ko....

"Mmm!! Mmm!!"

"Wag kangang maingay! Daldal mo naman eh!"

Tapos inalis na niya ang kamay niya...

"Sorry na!"

Sabay peace sign....

Namili nanga kami ng mga damit...Grabe! Ang dami! 

"Kuya! Ang dami naman niyang mga binili mo! May balak kabang mag-tinda ng ukay2x?"

"Tss...Edi bumili karin ng marami"

Hmpp....Dami narin tong binili ko.....

Pagkatapos naming mag mall ay agad na kaming umuwi...

Agad akong pumasok sa kwarto ko at sinukat-sukat yung mga pinamili ko....

Nag-mistula tuloy akong model dito dahil parampa-rampa ako dito sa harap ng salamin..

Dami kong pinamili....mga t-shirts,long sleeves,dress,pants,leggings,jumper shorts,shorts,skirts! Nasa akin na ang lahat ng style ng damit! Hahaha! 

She's A Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now