In The Lion's Den

1.7K 65 5
                                    

Clar Juliet's POV


Dapat ko ng mailigtas sila bago pa mahuli ang lahat.


"O ano Clar Juliet? Ready kanaba?" sabi ni Carla


Tumango lang ako at kumapit na ako sa kamay niya at nagteleport na kami.


Nakarating kami sa tapat ng isang napakaling lumang mansyon sa gitna ng gubat.

Napapaligiran ito na mga punong walang dahon. Ang daming mga bampirang nakabantay. Apat sa gate, apat sa main door, apat sa back door apat sa lahat! Hayy..


Hinila ako ni Carla sa likod ng isang matabang kahoy.


"Shh..Wag kang maingay" sabi ni Carla

"Sige. Paano tayo makakapasok eh ang daming nakabantay?"

"Dito."


Tapos hinila niya yung sanga ng puno at bigla nalang bumukas ang lupa.


"Wow"


Tapos pumasok na kami. Mga bampira kami kaya kahit madilim ay kitang-kita parin namin ang daan.


"P-paano mo nalaman ang daang toh?"

"Eh..sa ilang taon na pagsisilbi ko kay Ma'am Luella eh alam ko na lahat ng butas sa mansyon niya."

"Ahh..okay"


Patuloy lang kami sa paglalakad nang nakarating kami sa isang lugar na may maraming pinto. Lumang mga pinto to be exact.


"So saan tayo dadaan?"

"Hmm..Sa chamber! Baka nandun sila"

"Sige pero saan dyan ang pinto papuntang chamber?"

"Hmmm..Teka lang ah? Tumatanda na ata ako kase nakalimutan ko"


Napakamot nalang ako sa ulo. Lumuhod si Carla at dinama ang lupa. Kumuha siya ng ilang buhangin at unti-unti niya itong hinulog.


"Dun" sabi ni Carla


Tapos tinuro niya yung pinto na may bungong design nakalagay sa doorknob. Tumango lang ako at sumunod kay Carla at pumasok. Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang mga kalansay na parang sinunog. Habang patagal ng patagal ay mas dumadami ang mga kalansay.Nakapaligid ang mga kalansay ng mga tao at mga bampira.


"Shh..Malapit na tayo"


Tumango lang ako.

Nakarating nanga kami sa isang hallway pero may nakabantay paring apat na mga bampira sa isang pintuan ng kulungan.


"Sige. Ako na bahala sayo" sabi ni Carla

"Huh? Ikaw na ang bahalang bumugbog sakanila?"

"Hindi, ako na bahala mag-cheer sayo. Ikaw na dyan! Kaya mo nayan!"

She's A Vampire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon