Free His Mind

2K 70 5
                                    

Habang lumalayo akong muli kay Ice ay bumuhos ang mga luha ko.


"Arghh!! Ano ba! Pakawalan niyo ako!"


Limang bampira na ang kumakaladkad sa akin papuntang chamber at mas lalo akong nanghina.


Pagkadating namin sa may pintuan ng chamber ay agad nila itong binuksan at tinulak ako papasok at dahil dun ay natumba ako sa sahig. Agad nilang tinali ang mga kadena sa mga kamay at paa ko at agad silang umalis.


Wala na talaga akong lakas. Gusto ko nang sumuko pero hindi pwede. Kailangan kong iligtas si Ice at ang pamilya ko. Wala narin kaming sapat na lakas para mag-teleport at hindi ko na alam kung ano pa! Kailangan kong pakawalan ang isip ni Ice.


"Ice.."


Bumulong ako sa hangin at nagbabasakaling marinig niya pero sino ba naman ang niloloko ko?


"Clar? A-anong nangyari?" sabi ni mommy

"S-si Ice po"

"O anong nangyari?"

"Hawak siya ni Luella at sa tingin ko ay kinokontrol ni Luella ang utak ni Ice"

"Nako, mahirap yan. Sakanya lang susunod si Luella"

"Wala na po bang ibang paraang upang pakawalan si Ice?"

"Hindi ko alam"


I need to find a way to free Ice's mind.


"Alam mo Clar, tama ang mommy mo, mahirap nga lalo na't ang dali lang nagawa ni Luella ang bagay na iyon. It's either Ice's mind was persuaded to accept the proposal of Luella or pareha sila ng dinaramdam or pwede ring both. Pwede ring sang-ayon ang isip ni Ice pero pwede ring ayaw niya but the problem is, mas nangingibabaw ang damdamin o isip niya." sabi ni daddy


"So pwedeng sang-ayon ang isip niya pero ang puso niya ayaw."

"Yes. Pero nanalo ang isip kase yun naman ang kinokontrol ni Luella"

"Pero ang puso niya ay hindi?"


Tumango si daddy.

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa.


"Teka, galit ba si Ice sayo?" sabi ni kuya

"Hindi ako sigurado pero siguro nga."

"Huh? Bakit naman?" sabi ni kuya

"Y-yung mga magulang niya kase ang mga leaders ng mga Vampire Slayers 20 years ago"

"Nako! Patay tayo dyan!"


Yumuko lang ako.

Bigla nalang bumukas ang pinto ng chamber at nakita kong papalapit si Carla.


"Carla!" sabi ko

"Shhh..Papakawalan ko kayo pero wag kang maingay"


Tumango lang ako. Inuna niya pinakawalan sina mommy at daddy, tapos si kuya, tapos ako.

She's A Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now