The Last 20 Years

1.8K 58 6
                                    

Archer's POV


Ba't kaya agad na umuwi si partner? Hmmm...Baka may sakit or something.


"Apo?" sabi ni lola Cora

"Lola! Bakit po?"

"Umalis naba yung bisita mo hijo?"

"Opo eh"

"Sayang naman at di ko siya naabutan"

"Oo nga po. Ano po bang ginagawa niyo sa basement?"

"Wala naman hijo. Yung natural kong ginagawa. Nag-eensayo"

"Grabe po ah! Kahit matanda na po kayo eh ang lakas niyo parin"

"Syempre naman hijo.Dapat ay maprotektahan ko ang sarili ko pati narin ikaw. Yan ang bilin sa akin ng mga magulang mo bago sila pinatay ng bampirang yun"


Ngumiti lang ako ng bahagya at pumunta sa basement.

Eto ang pinakatatagong parte ng bahay namin, ang basement o ang training ground dito sa bahay namin.


May biglang kumatok.


"Archer Bryce!" sabi ni Collin

"Collin! Naparito ka ata"

"Nasan na si Clar? Kala ko ba pupunta siya dito"

"Ahh..Umalis na eh. Masama ata yung pakiramdam"

"Ohh..Okay"


Si Collin lang ang may alam sa mundo kong ito.


"Mag-eensayo kana naman?" sabi ni Collin

"Kailangan kong maging handa"

"Okay. Ikaw may sabi eh. Tatapusin ko muna tong Alien Communication Device ko dito sa gilid huh? Habang nag-eensayo ka"


Tumango lang ako.


I was trained to kill. I was trained to kill that vampire! Pinalaki ako ng lola

ko upang ipaghiganti ang mga magulang ko sa bampirang pumatay sakanila! Sisiguraduin

kong mamamatay siya sa mga kamay ko.


Kumuha ako ng tela at ipinulupot sa kamay ko. Buong lakas kong sinuntok ng paulit-ulit

ang punching bag. Sinuntok ko ito at sinipa-sipa.


Pagkatapos ay kumuha ako ng pana at inasinta ang mga pinalipad kong mga kalamansi.

Wala akong mintis. Dapat lang!


Pagkatapos ay kinuha ko ang espada at nilagyan ko ng piring ang mga mata ko.


"Collin! Halika! Tirahin mo ako ng mga mansanas!" sabi ko

"Eh paano mo ma-slaslice kung may piring ka?"

"Basta sundin mo nalang ako!"


Hanggang sa binato na niya ako ng mga mansanas. Agad ko namang nahiwa ang mga lumilipad na mga mansanas.

She's A Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now