Can I Have This Dance?

1.9K 85 0
                                    

Clar's POV

Ang dali ng oras! Di ko namalayang February na pala ngayon! Pagkatapos naming mag-usap ni Cheska sa rooftop eh agad naming hinanap sina Reina at Farrah....

Pumunta kami sa auditorium kase mag-prapractice daw kami ng sayaw....

Hahaha! Parang JS Prom lang ang peg??

Habang naghihintay pa kami eh nag-usap muna kami ni Cheska...Topic? Hahaha! Lamna!

"Ang dami mo naman palang alam sa mga lahi namin noh?" sabi ko

"Oo naman!"

"Hmm...Tanong ko lang..Kahit..awkward i-tanong...May puso ba kami? I mean..literal na may puso kase feeling ko kase may kumakabog dito sa dibdib ko..pero ang alam ko lang naman eh wala kaming puso"

"Hahahaha! OMG! May puso kaya kayong mga bampira...Ang bilis nga ng takbo ng mga puso niyo eh kaya hindi kayo dapat ma-confine sa ospital kase mahahalata..Tapos pag-naeexcite kayo o naiinlove eh mas lalo itong bumibilis.."

"Ahhh...kaya pala! Hahaha! Kala ko..imagination ko lang"

"Hahaha!"

Ilang minuto palang ay dumating na ang magtuturo sa amin....

Tumayo na kami ng biglang may tumabon sa mga mata ko....

Sino bato?

"Sino toh?" sabi ko

"Hehe...Hello partner"

Si Ice pala...

Lumingon ako sa kanya at ngumiti siya....

Pinisil ko ang ilong niya...

"Hahaha...may pa-tabon2 kapa ng mata ha?"

"Hehe..ayaw mo yun partner? Thrilling? Hahaha"

"Hahaha! Ikaw talaga partner!"

Paglingon ko kina Cheska,Reina at Farrah eh lakas makataas ng kilay ah! Hahaha...

"May pa-partner2 pa kayo dyan! Hahaha" sabi ni Reina

"Hehe...Partners in crime kami eh..Diba?" sabi ni Ice

"Huh? Anong ginawa niyo? Kaibigan ko kayo pero kailangan ko kayong isumbong sa pulis" sabi ni Farrah

"Uy Farrah! Hindi ganun noh! Hahaha! Ikaw naman!" sabi ni Ice

Hahaha! 

"Ok guys! Listen up! I will be your choreographer...I want you to listen! Maliwanag ba?" sabi nung baklang choreographer

"Yes! Ma'am sir..ano..ahhh..Yes!" sabi ni Farrah

"Okay...boys...kumuha na kayo ng mga partner niyo.."

O___O Di ko inakalang ang daming gustong makipag-partner sa akin! Grabeh ha!

Nawala bigla si Ice....

"Ahh..excuse me..excuse me..EXCUSE ME!" sabi ni Ice

Lahat lumingon sa kanya....Agad siyang lumapit sa akin...Kumuha siya ng upuan at pumatong....

"Everyone! She is mine! Humanap na kayo ng iba" sabi ni Ice

^_____^ Hahaha! Inangkin talaga ako huh? Nagsialisan naman ang lahat ng mga lalake....

"Hayy nako! Ang hirap naman pag may maganda kang syota! Hahaha" sabi ni Ice

"Hahaha! Wag kang mag-alala...Kahit ilan pa yan sila...Ikaw parin ang pipiliin ko"

"Ay sus! Pinapapakilig mo naman ako eh! Hahaha!" 

"Hahaha! Ang cute mo!"

"Alam ko! Hahaha! Choss lang"

Hanggang sa may partner na kaming lahat....

Teka....Si Reina lang wala ah! Bakit? 

Ang partner ni Farrah ay si Collin...Kay Cheska naman... O___o Ang kuya ko?? Tapos si Frost naman...Si Stacy??

Tumayo na kami....Close ballroom dance....Oberr makahawak sa baywang ko huh?!

"Ehem2x!" sabi ko

Binaba ko ng kaunti ang kamay niya...Ngumisi naman siya....

Sumayaw nanga kami....

"Stop3x! Hmm...I have a better idea! I want a live singing and dancing performance! Hmmm...I need a pair who can sing" sabi nung choreo

"Kami!" sabi ni Ice

O________O Ano daw????

"Hoy ano kaba! Ayoko" sabi ko

"Sus! Ano kaba! Tayo nalang...hehe"

"Ehh! Archer Bryce Skyrim naman eh!"

"Hahaha..."

Hinila ni Ice ang kamay ko at lumapit kami sa choreographer....

"Kami po..."

 "Alright!" sabi nung choreo

"Ayiiieeee!!!!!" sigaw ng mga kaklase namin

"Shhhh! Quiet! Ok...this will be your piece...Do you guys know this song?" sabi nung choreo

Hmmmm.....Can I have This Dance?

"Ahh...yes.." sabi namin ni Ice

"Good! And ahh..I need you to sing a solo"

"Ahh..ok po" sabi ko

"Good!Let's start"

Kumanta nanga kami at sumayaw....

Pagkatapos ng practice eh nagpahinga muna kami.....

Umupo muna kami sa stage at nagpahinga at kumain....

"Basang-basa kana sa pawis oh!" sabi ni Ice

Agad naman siyang lumapit at pinahiran ako sa mukha sa leeg sa braso....

"Hahaha! Ok na! Ako nalang.." sabi ko

"Hindi..ako na"

"Hayy..."

Hanggang sa kumuha na siya ng tubig at pinainom sa akin....

"Inom ka oh.." sabi ni Ice

"Thanks"

Hahaha! Natatawa ako na kinikilig sa ginagawa ni Ice...Eh kanina pa siya natataranta sa gagawin niya eh...

Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko....

"Dito kalang.." sabi ko

Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko....

Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya....

Please vote and comment!

She's A Vampire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon