The Epilogue

3.1K 84 9
                                    

Nagdaan ang ilang buwan at naging masaya kami. Madami narin ang nagbago. Si Cheska ay natupad na ang kahilingan niyang maging bampira. Si kuya ang gumawa nun para daw makasama niya habang buhay ang girlfriend niya. Haha! Yes, nagkatuluyan nga si kuya at Cheska.

Si Collin at Stacy naman ay nagtratrabaho na ngayon sa NASA at this 2025 ay pupunta sila ng Mars at dun na titira at tatanda.

Si Reina naman ay ka-partner na sina Sir Fluorine at Farrah sa kanyang mga experiments. Si Farrah ay itinanghal ng Guinness World Records bilang pinakamatalinong tao sa buong mundo.Nakapagpatayo narin sila ng bagong building para sa mga aspiring scientists and inventors like them. Currently, gumagawa sila ng Teleportation Device.

Si Reina at Sir Fluorine ay nagkatuluyan na. Hayy..Si King and Queen ay may balak atang magpatayo ng sarili nilang kingdom soon. Hehe..

Si Steshie ay nanatiling brokenhearted at bitter. Hahaha! Ewan ko ba! Di niya parin matanggap na si Stacy ang pininili ni Collin. Siya naman kase eh! Ang slow niya!

Si Sir Bryan naman at Ms. Shelby ang nagkatuluyan. Si Ms.Shelby ngayon ay nag-quit na bilang isang English teacher at siya ngayon ay nag-tratrabaho bilang isang call center agent. Hahaha! Tama!

Si Frost naman ay happy sa kanyang career. Naging model siya sa iba't ibang mga magazines at hopefully, makita na niya ang babaeng magpapatibok muli ng kanyang puso.

Si Carla naman ay namumuno na sa mga bampirang iniwan ni Luella. Well, di na sila masama ngayon. Friends na ang Nosferitor at ang Lemure Ashe Vampires as well as sa mga miyembro ng mga Vampire Slayers. Di na kami pumapatay ng tao kundi humihingi nalang ng blood donations. Hehehe...Minsan naman ay mga hayop nalang.

Ngayon ay masaya naman kami ni partner ko. Alam narin ng mga kaibigan namin na mga bampira kami eh. Ikwinento namin sa kanila ang nangyari kaya ayun nahimatay sila ng sabay, well except kay Cheska.

Kung magtatanong kayo kung nasaan ako ngayon ay alam niyo na ang sagot nyan. Hehe..

Nasa bubong ofcourse! Pinagmamasdan muli si moon at inaalala ang mga nangyari.

Hmmm...

Biglang may nag-text.

"Partner, please pumunta ka sa rooftop ng Dark Heights. Ngayon din! Wag kanang mag-reply"

Huh?! Bakit naman kaya? Hayyy....

Agad nga akong nag-teleport papunta sa rooftop ng Dark Heights. Teka,anong nangyayari?

Reunion ba toh?

Nadatnan ko lahat ng barkada na nakaupo sa may edge ng rooftop at si Ice naman ay nasa gitna.

"Ahm..Partner? Ah..anong nangyayari?"

Ngumti siya at lumapit sa akin.

"Ah..ahm..ano..para sayo"

Tapos may kinuha siya sa bulsa niyang isang maliit na box. Pagbukas niya ay may isang napakagandang infinity wedding ring.

Kinuha niya ang kamay ko. Tsaka isinuot yung singsing.

"Ahmm...Sorry di kasya" sabi ni Ice

"Haha! Maling daliri kasi yan"

Hahaha! Tapos sinuot niya sa ring finger ko. Grabe nanginginig siya at ang lamig,well bampira siya pero sobrang lamig niya talaga.

Archer's POV

First time kong mag-propose at para pa akong tanga! Hayyy! Kinakabahan ako!

"Mmm..Partner?Para saan to" sabi ni Clar

"Ahhh...Ahmm.ano"

"Anong meron?"

"Ahh...W-will you marry me? Ay mali!"

Napa-face palm nalang ako. Si Clar naman ay natatawa.

"Mali2x! Nakalimutan ko palang lumuhod! Hayy! Sorry ah! Nininerbyos lang kase ako"

Ngumiti lang si Clar.

Bumuga ako ng hangin at huminga ulit ng malalim.

"Let me start all over again." sabi ko

Tapos tumango lang si Clar.

"This place means a lot to me. Dito nabuo ang pagkakaibigan natin,dito tayo unang nag-date,dito ako nagtapat ng sikreto ko at dito mo rin inamin na isa kang bampira, dito halos nawasak ang relasyon natin...at dito rin ako mag-propropose"

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Clar.

"Patner..Let me ask you one question" sabi ko

"Is it a hard one?" sabi ni Clar

Tumawa ako ng bahagya.

"I hope not...Partner,will you be mine forever? And I'll promise that

I'll also be yours forever."

Di umimik si Clar. Mas lalong kumabog ang puso ko.

"Mmm..Will you love me forever and ever?" sabi ko

Ngumiti si Clar at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Forever and ever partner." sabi ni Clar

Ngumiti ako at kinarga ko siya at inikot-ikot! Hahaha! Ang saya ko!

"Hahaha!"

Napatawa nalang kaming dalawa. Pagkatapos ay sinindihan na nila ang mga paputok at itoy nagliwanag sa kalangitan.

Naghiyawan ang mga kaibigan namin sa sobrang kilig nang biglang may sumigaw,

"Walang forever!!!"

Napalingon kami sa sumigaw. Hahaha! Si Steshie! Tsk! Ang bitter talaga eh!

"Hahaha! Only a vampire can love you forever" sabi ko

Tapos tumingin ako kay Clar at hinalikan ko siya sa noo.

Sabi nga nila, the best kind of relationship begin unexpectedly.Love comes at you just at the right time. The time you never thought it would have.

I never thought that I would be inlove with the most unexpected person eternally

and yes,

.

.

.

.

She's a vampire.

THE END

She's A Vampire (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora