Kabanata 2

13.6K 500 29
                                    

Tereesa rolled her eyes when she read her best friends message. Sumimangot siya at nagtipa ng mensahe para dito. Naiinis na binura niya iyon. Napabuntonghininga at nagpagulong-gulong sa kaniyang malambot na kama matapos ang ilang sandaling nakalipas nang hindi pa rin niya alam ang sasabihin dito.

She felt tired and frustrated at the same time. Kagagaling niya lang kasi sa isang show ng isang kilalang brand ng lingerie. She was one of the model in the event. The reason why she wanted to rest and declined her friends invitation but she just couldn't. Paulit-ulit itong nag-t-text at pinapakonsensya siya sa mga mensahe nito.

"Nakakainis!" Sinabunutan ni niya ang sarili nang mabasang muli ang mensahe ng kaibigan. May halong tampo iyon.

Nagdadalawang-isip din siyang hindian ito. The mere word that caught her attention was the highlighted Hot Men Society. It was their exclusive party. And her friend luckily got a chance to be invited. Curiousity filled her being eventually. Isang karangalan ang mapabilang sa party ng kilala at misteryosong grupo. Kaya hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. In the end, she gave in. Nagtipa siya ng mensahe bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Mabilis naman nitong sinagot iyon.

Napaiiling na bumangon si Tereesa sa kama na kinahihigaan. Pinagmasdan niya rin ang buong kwarto, at kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Seeing her room in Frozen motif made her mind calm for the meantime. The images of Elsa's snowflakes. Ana's beautiful smiling face. Olaf's and the snowman. Mula sa dingding, drawer, kama, unan at bedsheet. All were in purple and blue in sparkling color. Maging ang artificial LED lights ng kaniyang silid ay pinasadya niya para bumagay sa lahat. Dahil doon, pakiramdam niya ay nasa mundo rin siya ng mga karakter sa isang Disney movie. And it fascinated her. 

Nag-aayos sa sarili si Tereesa nang pumasok ang ina nitong si Ramona sa kwarto nito. Kaagad ang pagbaling niya ng tingin dito gamit ang salaming nasa harapan. Binitiwan niya ang eyebrow pencil at ngumiti nang lumapit ang ina. Nakangiti rin ito na yumakap mula sa kaniyang likuran.

"You're going somewhere, baby?"

Tumango si Tereesa. "Party, mommy."

Ngumiti naman ito. "With the boyfriend?" Her Mom was obviously teasing her.

Natawa siya. "Nope. With Krist," she answered.

Tinitigan siya nang mariin ng ina. Sumeryoso ang mukha nito. "I hope you already settled your issue with your father, Eesa. Please, talk to him." Ginamit ng ina ang palayaw niya.

Tereesa's smile faded. Umiling ito. "Sorry, mom, but it will always be a no."

Nakauunawang tumango si Ramona. Pinagmasdan nito ang anak sa pag-aayos sa sarili bago tuluyang nagpaalam na umalis. Napabuntonghininga na lamang ang dalaga nang maisarado nito ang pinto. What her mother said made her heart feel heavy. Kahit kailan ay hindi siya papayag sa gusto ng ama.

Nang matapos ay walang sinayang na sandali si Tereesa. Wearing her knee length revealing silk gold V-cut semi-formal dress matched with a gold stiletto and a purse in her hand while her hair was in messy bun, she walked out of their house like a ramp model in her own show. Sanay na sanay ang bawat kilos ng mga paa nito. Her body was swaying in her every pace while her face remained stoic. Mas lalong nadepina ang mukha nito sa ginamit na dark make up at red lipstic sa labi. Gorgeous was the understatement of her appearance.

Gamit ang sariling sasakyan ay binaybay ng dalaga ang Metro patungo sa condo ng kaibigan sa Makati. Ilang minuto ang kaniyang hinintay bago ito lumabas at dumeretso sa nakaparada niyang kotse. Nagtitili kaagad ito na para bang masayang-masaya nang makapasok.

"Thank you, beshie. . ." Nagbeso ito sa kaniya.

"Do I have a choice?" she said sarcastically. Natawa naman ito at tinapik ang kaniyang balikat. Napaiiling na lamang ang dalaga habang minamaneobra ang sasakyan.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon