Kabanata 3

12.7K 521 36
                                    

Napaupo ng tuwid si Andrew. Seryoso ang mga matang nakatutok sa intablado. Nasa show room siya ng club house kasama ang mga kaibigan habang nanunuod sa isang babaeng nakaaakit kung sumayaw sa gitna ng podium. Nakalambitin ito sa isang bakal na poste. Nililingkis at iginigiling ang katawan doon.

Nakasuot ang babae ng maikling tela sa katawan na halos kaselanan lang nito ang tinatakpan. Pinaresan nito iyon ng isang itim na heels. Punung-puno ang babae ng kolorete sa mukha. Pulang-pula ang mga labi. Ang mga mata'y itim na itim dahil sa eyeliner na ginamit. Maganda.

Ngunit kailanman ay hindi nito nakuha ang atensyon ni Andrew kahit pa mariin ang titig nito sa binata. Ang bawat pagsayaw nito at pag-indayog sa maharot na musika ay halatang nang-aakit. But, he knew better. The woman was not her type. He couldn't even feel being aroused by her seductive move or even by her sexy body that was almost in her nakedness. Walang epekto ang babae sa kaniya. And he wanted out.

Bukod pa roon, nangangamba si Andrew tungkol sa pagiging King niya sa gabing iyon. Wala siyang ideya sa kung anumang pakulo ni X o ng kaniyang mga kaibigan. They remained quiet about the game. However, he knew it wasn't something that he could just shrug off.

Nilingon ni Andrew ang mga kaibigan nang lumapit sa kaniya ang babaeng sumasayaw lamang kanina sa intablado. Napangisi ang mga ito. Napasipol nang hawakan siya ng babae sa kaniyang dibdib. Mukhang nagugustuhan ng mga ito ang  nangyayari. Bigla ay gusto ni Andrew na suntukin ang mga kaibigan sa inis.

Habang abala si Andrew sa pag-iisip ay eksperto namang kinalas ng babae ang pagkakabutones ng kaniyang suot na pulo. Tatlo kaagad ang natanggal nito bago mabilis na napigilan ng binata ang malikot nitong kamay. He then realized that the woman was already sitting on his lap. Smiling like an idiot, while squeezing her boobs to his chest.

Fuck!

Napamura siya sa isip at mabilis na tumayo. Walang pakialam kung nahulog ang babae at nasaktan ito. He looked at his friends who were sitting on his back with suspicious grin pasted on their lips. Halatang natutuwa ang mga itong inisin siya.

Umiling si Andrew sa mga ito. "I'm out. This is too much!" malakas na wika niya.

Tumaas ang kilay ni Barry. "Get out or we're going to punish you," mariing wika nito. "Not taking the E-pill is already against the rule, Guerrero. Remember that."

"New Ferrari for me!" masayang wika naman ni Evander.

Napailing si Andrew. Pumihit kaagad siya paalis. Sinamaan niya ng tingin ang babaeng kaharap nang subukan siyang pigilan nito. Takot na lumayo kaagad ito sa kaniya. Kinuha niya ang pagkakataon at umalis nang walang lingon-likod sa mga kaibigan. Bahala na kung saan siya dalhin ng kaniyang mga paa.

Mabilis ang kaniyang mga hakbang. Hindi alintana ang katahimikan ng pasilyong kaniyang nadaraanan. Maging ang malakas na tunog ng musika mula sa nagaganap na party sa pool area ay hindi niya na rin pinagtuunan ng pansin. He was desperate to be out of the place, kaya nang makita niya ang elevator ay walang pagdadalawang-isip siyang pumasok doon.

Andrew abruptly looked up and breathe heavily. Minasahe ang sentido at iginalaw-galaw. Today was dreadful for him. Ang akala niya'y makapagpapahinga siya kasama ang mga kaibigan ngunit nerbiyos pala ang hatid ng mga ito sa kaniya. Buti na lang at pumayag ang mga itong umalis siya kundi baka mabaliw siya sa katarantaduhan ng mga ito.

Napangising tiniklop na lamang niya ang manggas ng suot na polo. Kampante siyang magiging normal na ang lahat sa kaniya. Kaya ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang biglang makarinig ng isang ungol. Tinigil nito ang ginagawa at nilibot ng paningin ang buong lugar.

He was stunned by what he saw. Akala niya'y nag-iisa lamang siya sa elevator. Napakurap pa ang binata ng ilang beses sa pag-aakalang pinaglalaruan lamang ito ng sariling paningin. But he failed. Kahit anong gawin niya nandoon pa rin ang babae. Nakahandusay sa sahig ng elevator habang panaka-nakang gumagalaw. Naalimpungatan.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon