Kabanata 29

8.4K 384 32
                                    

Tereesa instantly closed her eyes as Andrew's lips touched hers. Walang pag-aalinlangan niyang tinugon ang halik na ibinibigay nito sa kaniya habang nakakapit pa rin ang mga braso sa leeg nito. They kissed passionately, savouring those days that they had been away from each other. Halatang sabik. Tila walang pakialam at tanging ang mahalaga lamang sa mga sandaling iyon ay ang isa't isa.

"Eww! Gross!"

Biglang naitulak ni Tereesa si Andrew nang marinig iyon. Kaagad na inilibot ng dalaga ang tingin. Her eyes widened seeing Evander came out from the terrace's door. Sumunod si Rex Van dito. Lumabas din ang isa pang miyembro ng Hot Men Society na hindi niya masyadong kilala, at kasunod nito si Barry.

Laglag ang panga niya. Naguluhan.

Ano'ng nangyayari?

Bakit naroon ang mga kaibigan ni Andrew?

"Sorry, we barged in without asking," ani Barry. Nakatayo na ito kaharap sa kaniyang kama habang nakapamulsa.

Dahan-dahang inayos ni Tereesa ang sarili. Umalis rin si Andrew sa ibabaw niya at tumabi sa mga kaibigan. Nakalinya ang mga ito sa kaniyang harapan. Naghihintay sa kaniyang sasabihin. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Totoong nagulat siya nang makita ang mga ito sa sariling silid.

May lahi bang akyat bahay ang mga ito?

"W-What are you guys doing here?" naitanong niya.

Si Evander ang sumagot, "Makikikain." Hinimas pa nito ang tiyan.

Laglag ang panga ni Tereesa. Are they for real? Wala bang pagkain sa bahay ng mga ito?

Imposible!

"Don't be kidding me," Seryoso siya. Balak na umalis sa kama ngunit bigla siyang nahilo.

Maagap namang inalalayan siya ni Andrew. Nag-aalala ang tingin nito. "Ayos ka lang?"

"Please, take off your afro. It's giving me goosebumps," wika niya nang pakawalan siya nito.

"Sorry," hinging paumanhin ni Andrew bago hinubad ang suot na wig.

Napangiti si Tereesa. Pinisil nito ang ilong ng binata. "Handsome," wika niya bago kinintalan ng halik ang labi nito. Pagkatapos ay binalingan niya sina Barry na prente nang nakaupo sa couch na nasa dulo ng kaniyang silid. Kaharap nito ang kaniyang magarbong TV set at ang napakalaki niyang bookshelves na halos mapuno ng koleksiyon niyang libro.

"I don't know what to say, Barry. Is this the plan you're talking about? Seriously, gate crashing my room?" tanong niya sa binata.

Umiling si Barry. "You're impatient, Miss Esquevel. The best is yet to come." Napangisi ito kapagkuwan.

Hindi sumagot si Tereesa. Nagkibit-balikat siya. Tiningnan ang wall clock na nasa gilid ng shelves. Alas-diyes na ng gabi. Ilang oras din ang itinulog niya. Kataka-takang hindi siya ginising ng isa sa kanilang kasambahay.

Hinarap niya muli si Barry. "Is my maid your connivance to this?" tanong niya.

"Some of them," walang pakialam na sagot nito.

Tumango siya. Naramdaman ang pagpulupot ng braso ni Andrew sa kaniyang beywang. She smiled instantly. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na hawak nito. Odd, but she didn't want to take off his possesive stance on her; kahit pa kaharap nila ang mga kaibigan nito.

"Don't look at my woman like that Barry." It was Andrew in his possesive stance again.

Nagtawanan ang mga kaibigan nito. Maging si Tereesa ay napailing na lang sa inaakto ng binata. Her heart was fluttering with so much uncontrollable feeling of joy and love while being held by him. Napakasarap pa rin makulong sa mga bisig nito. Napakasarap nitong masolo.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon