Kabanata 27

8.1K 354 34
                                    

Tahimik na nagsesenyasan si Rex Van at Evander. Napaiiling habang mataman ang titig sa kaibigang si Andrew na hawak ang isang matapang na inumin. Nakikinig at nakikiramdam sa bawat buntonghininga nito.

Nang hindi makatiis, nagsalita si Evander, "Tang*na! Magpapakamatay ka ba, bro? Ginawa mo nang tubig ang brandy na 'yan." Itinuro nito ang alak na hawak ni Andrew. Kilalang matapang na uri ng Cognac brandy iyon. "Kung suicidal ka na, magpasagasa ka sa mga kotse sa EDSA. Tumalon ka sa Grand Hyatt Manila. Magbigti ka sa condo mo patiwarik. Mag-overdose ka ng sleeping pills. Laklakin mo ang Zonrox! Magpabaril ka sa mga guwardiya—" 

Isang masamang tingin mula kay Andrew ang nagpatigil dito sa pagsasalita. 

"Will you shut up?" anang binata.

"Sorry. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Kami." Itinuro ni Evander ang mga kaibigan.

Magkaharap sa isang maliit na mesa ang magkakaibigang sina Evander at Andrew. Kasama ng mga ito sina Rex Van at Ysco na abala sa pagtungga ng hawak ng mga itong Smirnoff. Lahat ay naiiling habang pinagmamasdan si Andrew na halos patayin ang sarili sa pag-inom. Parehong nakikiramdam sa susunod nitong gagawin. Dinadamayan ang nasaktang kaibigan.

"Kung ayaw niyo akong samahan. Makakauwi na kayo," walang ganang saad ni Andrew.

Ysco tsked. Inilapag nito ang hawak na beer. Matiim na tinitigan si Andrew. "May balita na ba kayo tungkol kay Tereesa Esquevel? Sorry, pero ang alam ko lang isa siyang heredera ng isang airline company. Product endorser at model." Tumingin ito kay Zico na kararating lang at agaw pansin sa suot nitong suit and tie. "You never change, bro."

"Sorry, na-late ako," pahayag ni Zico.

Sarkastikong natawa si Evander. "Hindi ka lang late. Out of place ka pa!" gatong nito. "What the fuck, man! Saan mo naman irarampa ang all black suit mo? Hindi pa patay si Andrew, buhay pa, oh!" Tinuro nito si Andrew na tahimik lamang na nakikinig sa pinag-uusapan ng mga kasama.

Sumulyap si Andrew kay Evander. He showed his middle finger on him. Tinapik naman ni Zico ang likod ng kaibigan.

"How are you, fucker? Sorry, kagagaling ko lang kasi sa isang meeting," ani Zico bago umupo habang walang pakialam na hinubad ang coat.

"Ilang araw na akong nag-iimbestiga sa pamilya Esquevel. Hindi lang sila mayaman, kundi sobrang yaman. Kilala sila sa buong ASIA bilang aviation expert. Unti-unti na ring lumalago ang negosyo nila sa Europe. No doubt kung bakit sila ang most wealthy family sa buong Pilipinas," mahabang litanya ni Rex Van. Inilahad ang iPad sa mga kaibigan. Ipinakita nito ang isang artikulo ng isang kilalang magazine. Nasa cover niyon ang buong pamilya Esquevel.

"We're rich. But obviously this family is richer," naiiling na wika ni Evander. Ngayon lamang ito sumeryoso. "Hindi na nakapagtataka kung bakit mahilig sila sa marriage for convenience." Tinapunan nito ng tingin ang nakatiim-bagang na si Andrew.

Napabuntonghininga si Andrew habang naririnig kung gaano kayaman ang babaeng pinakamamahal. He now realized why she was acting strange when he first saw her. Kung bakit ang lahat ng kilos at galaw nito ay tila kalkulado. She swayed in elegance every time. She acted with class. Kahit minsan iniisip niyang wala itong alam at puro lang kaartehan.

"Damn!" mura niya.

"Ang lutong!" pabirong turan ni Zico. "Ano'ng plano natin ngayon?"

Lahat ng mata ay nakatutok kay Andrew. Itinaas ng binata ang tingin. Umiling. Mas lalong naging mabigat ang pakiramdam niya. Binitiwan niya ang hawak na alak at napasubsob sa sariling palad. Mas lalo siyang na-frustrate. Ni hindi man lamang tumalab sa kaniya ang matapang na inumin. He wanted to be numb. He wanted to forget his pain. Ngunit paano?

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon