Kabanata 22

10.5K 373 23
                                    

Halos hindi na mawaglit ang ngiti ni Tereesa sa labi ng mga sandaling iyon. Halos hindi na rin siya makahinga sa sayang nadarama. Her heart was overwhelmed with too much joy that she hoped it would last. Na sana ay tulad ng mga naggagandahang bituin sa kalawakan ay mananatili ito panghabambuhay. She hoped that everything would be alright and fine. Ngunit katulad ng araw at gabi, mayroon itong hangganan. Natapos ang lahat at muling bumalik sa normal.

"Nalulungkot ka pa rin ba?" It was Andrew. He was carrying Tereesa towards his unit. Tinamad na kasi ito sa lahat nang umalis ang mommy nito sa party kanina. Though, she talked to her for a while, for Tereesa; it wasn't enough.

Kasalanan din naman niya. Mas pinili niyang huwag muna bumalik sa kanilang mansion at kausapin ang buo niyang angkan. She declined because she knew she wasn't ready to face her father's wrath. Naiintindihan siya ng ina. Pumayag ito sa gusto niya. Pero bakit nakakalungkot pa rin isipin na kulang pa ang naipon niyang lakas ng loob para harapin ang ama? Para sana ayusin ang lahat.

Tereesa bit her lower lip. Tiningnan niya si Andrew nang mariin. Inangat niya rin ang kamay at hinaplos ang panga nitong umiigting. There was no doubt that Andrew was affected of her decisions but he still managed to agree with her and even supported her. Inamin naman kasi nitong handa itong harapin ang ama niya. But just like how she declined her mother, she declined his idea as well.

'Napakaduwag mo!' pagkastigo niya sa sarili.

"I'm sorry if—"

"Shh—Stop that. Wala kang dapat ihingi ng tawad. I totally understand," sansala ni Andrew.

Tereesa sighed. She nodded. Hindi na rin siya nagsalita pa dahil alam niyang maraming nangyari ngayong araw. Nararamdaman niya ang pagod hindi lang sa mental kundi maging sa pisikal. She could feel tiredness in Andrew's eyes too. Gusto na rin niyang magpahinga na lang at iwasan ang diskusyon.

"Thank you, Manong," Tereesa whispered instead.

Andrew looked at her and smiled. "Handa akong maghintay kung kailan ka magiging handa."

It was said with finality. Damang-dama ni Tereesa ang kasiguraduhan sa boses ni Andrew maging ang kaseryosohan sa mga mata nitong kasing kulay ng gabi. And with that simple words from him, she knew exactly what he meant. She felt relieved. Hindi na dapat siya mangamba dahil naiintindihan siya nito.

Nang tuluyang maibaba ni Andrew si Tereesa sa kama ay nanatili ang katahimikan sa pagitan nila. Inayos siya nito sa pagkakahiga. Tinanggal ang kaniyang sapin sa paa. Kinumutan. She was just watching his every move. Sanay na sanay ito sa ginagawa. Walang kimi.

Napaisip siya. Papaano na lang kung hindi siya ang babaeng magugustuhan nito? Paano kung hindi siya ang babaeng inaalagaan nito? Isipin pa lamang niya ay naninikip na ang kaniyang dibdib sa selos na nadarama. She was stupid of thinking nonsense but she couldn't help it. Mabuti na lang at siya ang mahal nito.

'Lucky you!' sigaw ng utak niya.

She was very lucky indeed.

Napangiti si Tereesa nang matapos si Andrew at matamang tumitig sa kaniya mula sa dulo ng kama na kaniyang kinahihigaan. Kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. She moved herself up and leaned on the headboard. She looked at him intently while tapping the space beside her. It was an invitation for him to sleep with her. Ngunit hindi gumalaw si Andrew. Sinulyapan lamang nito ang espasyo at muling bumaling sa kaniya.

Nagwika, "Hindi ako magtatagal." May pinalidad ang boses nito.

Why not?

Gustong isatinig iyon ni Tereesa ngunit walang salitang namutawi sa kaniyang labi. Bakit hindi ito magtatagal? May pupuntahan pa ba ito? Wala nang ibang tao sa clubhouse maliban sa kanilang dalawa dahil umalis na ang mga kaibigan nito, kaya bakit ayaw nitong makatabi siya?

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon