Chapter 1

159 15 3
                                    

Chapter 1...Mary

*A few weeks later*

Alexandra's Point of View

"Hayyyy" Nag-inat ako at humikab matapos ang huling klase. Wala naman akong kilala dito. Bago lang ako sa school na ito.

Yep! Lumipat ako ng school dahil 'yun ang sabi ni Ma'am Davis. Ang gurong tumulong sa akin matapos ng aking malalang trahedya.

Inaantok kong nilisan ang room at naglakad para umuwi.

"Mukang matagal-tagal pa akong mag-aadjust sa school na ito." Naibulong ko sa sarili.

Ilang Linggo na ako dito pero hindi pa rin ako sanay. May iilang kumakausap sa akin pero hindi ko sila nakakaclose. I don't want to have any friends again. All I want is Angel dahil mukha namang wala na akong makikitang totoong kaibigan na katulad n'ya.

Ang sarap matulog. Kanina ko pang gustong matulog. Ang boring kasi magturo ng mga teacher ano ba 'yan. Balak ko rin sanang maghanap ng gwapong lalaki kaso tinatamad ako. Mas maganda kung makakasalubong ko nalang kesa hahanapin ko pa.

"Well, well, well...another killer victim." Natigil ako dahil may humarang na babae sa harapan ko.

At sino naman itong babaeng ito?

"Ano ang kailangan mo?"

Tumawa ito habang ako ay nagtataka dahil ano ba ang nakakatawa?

"Nakakapanibago. Ngayon lang ako nakatagpo ulit ng taong hindi ako kilala."

"Oo kaya lumayas ka sa harapan ko. Gusto ko nang umuwi." Lalagpasan ko na sana s'ya kaso hinaraan na naman ako.

"Excuse me? How dare you talk to me like that? It's been a few weeks simula noong lumipat ka dito hindi mo pa rin ako kilala? Unbelievable."

Pagod ko s'yang tiningnan. "Tigil-tigilan mo nga ako sa kaartehan mo. Magpakilala ka nalang nang malaman ko kung sino ka. Hindi naman ako manghuhula."

Halata namang mas lalo itong nainis sa sinabi ko. "Bago ka palang dito ang yabang-yabang mo na eh mukha ngang wala kang laban sa killer. Crying alone and hoping to die are the only things you are capable of. Gusto mo bang ako na mismo ang pumatay sa 'yo?"

"Go on. Kill me and I'll thank you for guaranteeing my wish." Walang emosyon kong sabi.

"Okay then... " Nagulat ako sa biglang paglabas n'ya ng kutsilyo."I'll do it."

Hindi ako makagalaw kahit gusto ko.
Itong babaeng 'to. Halata ko na agad na sanay s'yang pumatay.

"Another kill, another blood!" Tinaas n'ya ang kutsilyong hawak para saksakin ako.

I can handle this. I want to die pero hindi ko gustong s'ya ang papatay sa akin. I can dodge it so I can---

What?

"That's enough."

Her intended attack on me was thwarted when a woman from behind her grabbed her wrist.

"You again?!" Galit na binawi nito ang kamay.

"Uh-huh. And messing around again, blonde highlights girl?"

Blonde highlights---yeah. Ngangayon ko napansin na may blonde highlights ang buhok nung babae.

"Bakit ba lagi ka nalang umeepal sa mga ginagawa ko?!"

"You're messing around obviously."

"You're the mess in here! Pabayaan mo nga ako!"

"Nah-ah. I won't. Alam mo namang wala kang magagawa sa akin. Just turn around and walk away."

Pass or Die? Where stories live. Discover now