Chapter 3

79 15 2
                                    

Chapter 3...Moving out

Alexandra's Point of View

Maaga akong pumasok sa school. Kasabay ko si Jace. Hindi namin kasabay sina Mary. Hindi na namin hinintay kasi baka nauna na.

Nagtataka ako dahil malapit na magsimula ang klase, kakaunti pa rin ang mga nandito sa loob. 30 kaming mga estudyante dito sa section B tapos nasa 20 nalang yata kami ngayon.

"Bakit kakaunti lang tayo?" Tanong ko kay Jace na katabi ko.

"Hindi ko alam----"

"BUENOS DIAS!"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang sumigaw.

Pagtingin namin sa pinto, nagulat ako nang makita sina Mary na pumasok sa loob. Kumpleto sila at meron pang kasamang hindi ko kilala. Lumapit sila sa amin at ako naman ay napatayo.

"Guys? Ano'ng ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"Well...surprise!" Tinaas ni Mary ang mga braso.

Nagtaka ako lalo. "Surprise?"

"Yep. Bawal na raw lumipat dito sa section B dahil madami kami kaya ang ginawa ko, pinalayas ko 'yung sampo dito."

O___O?!

"P-Pinalayas. P-Paano?"

"Sinabihan ko lang--"

"Tinakot n'ya." Pagsingit ni Gus.

"Tinakot mo?!"

Pilit itong tumawa. "Ah...hehehe. Hindi ko naman talaga tinakot. Ano lang...blackmail---"

"It's the same thing!" Sigaw ko sa kanya.

"Eto naman. Ayaw mo nun sama-sama tayo?"

"Kaya nga. Ayoko na sa Section A." Pagsang-ayon ni Louise.

"Ayoko na rin sa Section namin ni Mary."

Tss. Mukha namang kung saan naroon ang isa sa kanila, naroon din ang isa. Para silang kambal na hindi pwedeng mapaghiwalay.

"Ikaw Bruise? Gusto mo dito?" Tanong ko sa lalaking seryoso.

"Napilit namin s'ya. Haha syempre papayag 'to kapag ako ang nagrequest."

Mukha ngang ayaw ni Bruise dito. Ibang klaseng mamilit itong si Mary para mapapayag ang seryosong kaibigan.

"Oh 'di ba? Ayaw na nila sa mga section nila kaya ampunin mo na kame. By the way, this is Ryan. Nakita mo na siguro 'to Alex noong isang araw na nanood tayo ng basketball." Pagpapakilala ni Mary sa isang lalaking hindi ko kilala.

Tumingin ako kay Ryan na kumaway sa akin.

"Ow hi." Awkward akong ngumiti.

Hindi ko yata s'ya masyadong napansin sa basketball noong isang araw.

"Naks! Buti nalang lumipat kayo. Kapag kumpleto, mas masaya. So paano? Tabi-tabi na tayo?" Tuwang-tuwang sambit ni Jace.

"Dito nalang ako sa gitna." Umupo si Mary sa tabi ko sa kanan dahil doon ang hilera ng gitna.

"Dito ako sa likod ni Mary." At umupo si Louise sa likod ni Mary.

Si Bruise ay sa likod ni Jace sa tabi ng bintana umupo. Si Gus naman ay sa unahan ni Mary umupo at si Ryan ay sa likod ko.

"Bakit naman hindi n'yo kami hinintay?"

Tumingin ako kay Mary. "Akala namin umuna na kayo."

"Again?" Sumandal s'ya sa upuan. "Never kaming mauuna sa inyo dahil ayaw naming pumasok ng maaga."

Pass or Die? Where stories live. Discover now