Chapter 5

69 12 0
                                    

Chapter 5...Killer?



Gus' Point of View

Mapayapa akong nagpapahinga sa ilalim ng puno at nakahiga habang ang iba ay may kanya-kanyang ginagawa.

Linggo ngayon at ngayon ang araw na magiging busy ang lahat sa iba't ibang gawain. Dapat lang talaga na tumulong kami dahil dito nalang kami makakabawi sa pagpapatuloy sa amin sa lugar na ito. Katatapos ko lang magtanim ng halaman sa farm sa likod nakakapagod.

Kaso ang pagpapahinga ko ay naputol dahil ng isang lalaking naghagis ng isang bag sa mukha ko.

"What?"

"Bumangon ka may bibilhin tayo."

"Ha?" Napaupo ako. "Ano naman?"

"Naubusan ng stock sa canteen, inutusan akong bumili at isasama kita."

"Bakit ako? Sina Mary nalang."

"Busy silang lahat at si Mary ay hindi ko makita. Ikaw lang ang nakita kong walang ginagawa kaya samahan mo ako."

Napakamot ako ng ulo. "Nagpapahinga pa ako eh. Bakit tayo pa ang kailangang bumili?"

"Hindi lang tayo. Isa lang tayo sa inutusan. Tumayo ka na."

"Aish. Bruise naman. Kahit kelan panira ka."

Hinawakan niya ang damit ko sa likod at walang kahirap-hirap akong tinayo. "Puro ka reklamo. Tara na."

Wala na akong nagawa at wala naman talaga akong magagawa. Nakasimangot akong nakasunod sa kanya at ako pa itong may bitbit ng bag.

"Marami ba tayong bibilhin?" Tanong ko.

"Hindi."

Hindi? Ah okay buti naman.

Naglalakad kami papuntang kalsada. Hindi naman mainit ang panahon pero naiinitan ako. May mga ilang kasamahan kami na naglalakad na siguro ay inutusan din tulad namin---ni Bruise lang pala nadamay lang ako.

Nang makarating kami sa tabi ng kalsada ay nagtaka ako dahil naglalakad pa rin itong kasama ko.

"Huy Pasa! Huwag mong sabihing lalakarin natin hanggang sa pamilihan?"

Humarap s'ya. "Oo."

Napanganga ako. "Ang layo! Nakikita mo ba itong mga kasamahan natin?" Tinuro ko sila na sumasakay sa jeep. "Sumasakay sila. Sumakay din tayo tinatamad akong maglakad."

"Saan? D'yan?" Tinuro niya ang isang jeep na nakatigil.

Palibhasa ngayon lang ito nautusan ng ganito kaya hindi alam na malayo ang balak naming puntahan.

"Ayoko. Maglakad nalang tayo." Muli siyang tumalikod at naglakad at ako naman ay agad siyang pinigilan.

Hinawakan ko ang braso niya. "Sumakay na tayo! Malayo nga kasi 'yon! Mapapagod tayo!"

"Ayoko."

"Teka-teka. Nakasakay ka na ba ng jeep?"

Iling lang ang sinagot nito.

Obviously. What else would you expect from someone who comes from a rich family of doctors?

I sighed softly. "Kaya naman pala. Huwag kang mag-alala madali lang sumakay d'yan at huwag ka ring mag-alala dahil hindi ka naman kakainin ng mga pasahero. Tara bilis."

Pumara ako bago kami sumakay. Buti nalang hindi masyadong madami ang nakasakay.

Sa kalagitnaan ng byahe, humalumbaba ako. Hindi naman sobrang layo ng pupuntahan namin pero parang malayo dahil traffic hindi kami makarating agad.

Pass or Die? Where stories live. Discover now