Chapter 9

63 11 0
                                    

Chapter 9...First Examination



Mary's Point of View

"So Pa'no? Kitakits nalang mamaya?" Unang paalam ni Jace.

"'Wag muna kayong uuwi ah? Hintayin nyo muna ako dahil malamang ay mas mahaba ang magiging oras ko." Paalala ko.

Lumapit sa akin si Gus at pinatong ang kanang kamay sa ulo ko. "Good luck."

I rolled my eyes. "Sana nga swertehin."

Humiwalay na ako sa kanila. Nakakainis hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon. That teacher indicated that she would give me someone to be with pero wala naman. I should have scared her to change her mind.

With slumped shoulders, I climbed the building and walked towards the room where I would take the exam. As soon as I arrived at the front door, someone immediately ruined my day. Natigilan din ito sa pagpasok nang makita ako. Hindi ko s'ya napansin kanina dahil hindi naman ako nakatingin sa harapan.

"Mary. Huwag mong sabihing math ka?"

I crossed my arms. "Oo bakit? Hindi ba expected?"

"Yeah. Alam ko namang mahina ka sa math." She said as she chuckled.

"Edi ikaw na ang matalino. At huwag mong sabihin na math ka rin?"

Nang-aasar itong ngumiti. "Alam mo namang expert ako dito hindi ba?"

"Tss. Agang-aga panira ka ng araw." Inis na pumasok ako sa loob.

Nakakainis. Wala nga akong kasama ni isa sa mga kaibigan ko pero ito naman ang kasama ko. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kesa makasama ang bwisit na 'to.

Dito ako umupo sa likod at siya naman ay sa unahan. Marami-rami na ang mga estudyanteng nandito at baka kaunting minuto nalang ay magsisimula na ang exam.

Humilig ako sa upuan at pumikit.

*7:30*

Nakahalumbaba ako at kung anu-ano ang iniisip.

*7:40*

Nilalaro ko ang ballpen ko at panay ang hikab.

*7:55*

Kasalukuyan na akong nakikipag-asaran kay Aby gamit ang mukha.

At sa wakas, 8 o'clock na. Punung-puno ang room ng mga estudyante at dumating na ang isang teacher na mag-aasikaso sa amin.

Eto na, handa na akong mabaliw.

"Good morning, everyone. My name is Jay-Anne Catapang but you can call me Ma'am Jay. The examination will be administered by me so please be honest. No cheating, and answer this carefully. This is a highly serious subject, paying close care before answering is a must. I will give you all four hours to solve, but you may go early if you complete the exam before the time limit."

Nakahalumbaba lang ako habang nagsasalita ang teacher sa unahan.

4 hours? Tch. Baka wala pang 2 oras hindi na ako humihinga.

"When I finished handing out the test papers, you can all start answering."

Nagsimula na itong mag-distribute ng mga papel. Pakiramdam ko namumutla na ako sa kaba.

Nang makarating sa akin ang test paper ay hagya ko na itong matingnan.

Damn. Nakita ko palang ang problem number one nasusuka na ako. Naliliyo na ako. Dapat pala may handang ambulansya sa labas kapag math ang i-ta-take dahil baka mahimatay ang mga nandito sa loob at isa na ako doon.

Pass or Die? Where stories live. Discover now