Chapter 6

81 13 0
                                    

Chapter 6...White rose



Flashback...

Mag-isang nakatayo si Mary sa labas sa kalagitnaan ng gabi habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Maya-maya pa ay may tumabi sa kanya. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang si Bruise iyon.

"Ano'ng ginagawa mo dito sa labas?" Tanong nito sa kanya.

"Nothing. Nagpapalamig lang. Ikaw? "

"Same." Tipid lang nitong sagot.

Tulog na ang lahat ng tao at sila lang dalawa ang tanging nasa labas.

"Ayos na. Nakita ko na kung paano lumaban ang lahat. Except kay Alex." Inalis ni Mary ang tingin sa langit at kay Bruise ito binaling. "Do you think I can teach her?"

He looked at her too. "Kaya mo, pero hindi kita pinagkakatiwalaan."

Natawa ito at napailing. "I won't kill her of course."

"I hope so."

"Titigil ako bago pa lumala. Hmm...paano kaya?..." Humawak ito sa baba at nag-isip. "Paano ko gagawin? Any tips?"

"Plano mo 'yan kaya ikaw ang bahalang mag-isip."

"Tss andamot---wait." She snapped her fingers. "Aha! Alam ko na kung paano."

"Paano?"

She smiled at him. "Secret." Then pumunta siya sa harapan ni Bruise. "It will work smoothly, so simply wait and watch the outcome. Why don't we talk about you and Teo?" She crossed her arms. "Don't you dare accept his offer."

"I won't."

"Good. That guy is really out of his mind" Bulong nito. "Let's go back inside and get ready for tomorrow."

Naunang pumasok sa loob si Mary at ilang saglit pa bago sumunod si Bruise.

***

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Gus pero hindi siya pinansin ni Mary.

Nang dumaan siya sa harapan ni Bruise ay kinindatan n'ya ito na para bang sinasabing magtiwala lang sa kanyang gagawin.

Makalipas ang ilang minuto ay inutusan ni Bruise si Jace na puntahan ang dalawa dahil wala pa rin s'yang tiwala kay Mary at sa posibleng kalabasan.

Pass or Die? Where stories live. Discover now