Chapter 7

72 11 0
                                    

Chapter 7...Crush



Alexandra's Point of View

"Tadaaa!"

Maghapon akong mag-isa at nakatunganga dito sa bahay hanggang sa umuwi ang iba pero hindi kasama si Mary at Gus. Tapos heto silang dalawa ngayon. Kakauwi lang at may dala-dalang sari-saring kawali na gagamitin daw sa pagluluto. As in ang dami nilang binili.

"At saan naman kayo kumuha ng pambili niyan?" Tanong ko.

"Kung hindi mo nalalaman, nagtatrabaho kami kapag bakasyon so kapag dating ng pasukan, we have our own money." Sagot ni Mary.

Mukhang magandang ideya nga 'yon. Ma-try nga kapag nagbakasyon. Kaso matagal pa wala tuloy akong pera. Meron naman kaso ewan kung kakasya sa loob ng ilang buwan. Bumalik kasi ako sa bahay noon para kunin ang iilan kong gamit na mahalaga bago ako sumama kay Ma'am Davis.

"Sale kasi kaya madami kaming binili ni Gus. Hindi kami makapili ng maganda kaya kinuha namin lahat."

"Bakit pa kayo bumili niyan? May canteen naman tayo."

Oo nga tama si Louise.

"Huwag na tayong umasa doon. Mas maganda nga kung sarili nating luto tapos dito nalang tayo kakain sa bahay. And don't worry, bumili rin kami ng mga plato at ibang mga gamit sa kusina." Si Mary ulit.

Napangiwi ako. "Sure na kayo dito?"

"Mmm."

"Talagang gumastos kayo para lang d'yan? Sana sinabi nyo para may ambag kami." Si Jace.

"Okay lang mura lang naman."

"Okay, okay. But the problem is...we don't have any stove here. And...none of us can cook."

"Anong wala? Mali ka d'yan, Louise. Nakikita mo itong si Gus at itong si Bruise." Tinuro ni Mary ang dalawa. "Marunong silang dalawa."

"Talaga?" Manghang tanong ko.

"Oo naman. Pero mas marunong ako kay Bruise. Tungkol naman sa stove, hindi natin kakailanganin iyon. May mga kahoy sa labas at marunong akong magluto kahit hindi gumagamit ng gas."

Napapansin ko talaga dito kay Gus, parang wala s'yang hindi kayang gawin sa buhay. I mean...parang ang kilos n'ya ay sanay na sa mga gawaing hindi marangya.

I don't know ang hirap ipaliwanag.

"Marunong din ako huwag kayong mag-alala." Napatingin kami kay Ryan.

Wow ah. 'Yung feeling na mas marunong pa magluto ang mga lalaki kesa sa aming mga babae.

"At isa pa, hindi naman natin gagamitin ito palagi. Kapag nagustuhan lang nating kumain ng tayo lang." Muling sabi ni Mary.

"Cool!" Lumapit si Jace at inakbayan si Gus. "I like that idea."

"Teka." Pigil ko. Kasi may isa pang bagay na ikinababahala ko. "Saan tayo magluluto? Dito sa loob? Alangan namang sa labas kasi baka makaabala tayo sa kabitbahay."

"Shocks...may punto ka. " si Louise.

"Malaki-laki naman itong bahay saka hindi gawa sa kahoy kaya hindi tayo mag-aalala sa posibleng masunog. May part sa bandang likod na walang gamit. Doon tayo magluto."

Tumango-tango kami sa sinabi ni Gus.

"Okay problem solved." Nag-inat si Mary. "How about you, Alex? Okay ka na ba?"

"Okay naman talaga ako bakit nyo pa kasi ako iniwan?"

"Hayaan mo na dagdag pahinga mo na rin. Magbibihis lang ako." Winagayway niya ang hawak na rose habang naglalakad paalis.

Pass or Die? Where stories live. Discover now