Chapter 8

72 14 1
                                    

Chapter 8...Review


Alexandra's Point of View

Lumabas kami ng room para umuwi nang tawagin kami ni Ma'am Davis.

"Tomorrow, I will disclose the subjects you will take, and because you are already here, sa inyo ko unang sasabihin ang subjects nyo. Kailangan nyong maghanda dahil next week na ang exam. Kailangan nyong pumasa."

"Talaga po?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yes. At dahil bago nyo akong adviser, asahan nyo na iba ang mga subject na ibibigay ko sa mga nakaraan nyong advisers. You have to learn other subjects, you can't always focus on one that's why I'm here to challenge you."

"Wait. What do you mean by that?" Mary asked.

Wait. Parang hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.

"Okay hindi ko na patatagalin pa para makapaghanda kayo ng maaga. Ryan and Alex." Tawag niya sa aming dalawa.

Shit kinakabahan ako. Huwag math please.

"You have to pass the Science subject."

"Po?" Napakurap-kurap ako.

S-Science? Are you freaking kidding me?

Magrereklamo pa sana ako kaso hindi na lang. Baka mapagalitan pa ako.

"Louise and Jace. I'll give you the P.E subject."

"Ayy sayang sa amin sana ang Science." Yumuko si Louise. "Sige po."

"Now, Mary." Tumingin siya sa kanya. "I'll put you in the Math subject."

"Ha?!" Agad nitong sigaw.

Napatakip ako ng bibig. Sinasabi ko na nga ba. Wala pa kasing math--malas niya.

"What---wait are you serious? Math? I can't pass that subject."

Ma'am Davis smiled at her. "I know you can."

"You can give me the English one but not this please." Pinaglapat nito ang mga palad at nagmakaawa kay Ma'am pero umiling ito.

"I know you're good in English that's why I removed you from that subject. You have to train your brain on how to cope with mathematics."

Napatakip siya ng mukha. "I'm screwed."

"So Ma'am, kami ni Bruise sa English?" Tanong ni Gus.

Ngumiti si ma'am sa kanila at tumango. "Yes."

"Nice!" Inakbayan nito si Bruise at tumingin kay Mary. "Good luck." Sabay dila. Inis namang tumingin si Mary kay Ma'am.

"You're very lucky because I didn't let you do the subject alone. I paired you all."

"How about me? Wala akong kasama tapos math pa." Reklamo na naman ni Mary.

"I'll give you one don't worry."

"And who?" Mataray niyang tanong na para bang walang pakialam sa guro.

I looked at her.

How can she talk to Ma'am Davis like that? Like...she has no respect at all.

"You may go home."





BINAGSAK ni Gus ang mga papel sa lamesa kung saan naroon si Mary habang nakasub-sob ang mukha.

"I hate my life."

"Ayan. Reviewhin mo. Alam kong iyan ang lalabas sa exam."

Tumunghay siya tapos muling sinub-sob ang mukha sa lamesa. "I can't."

Pass or Die? Where stories live. Discover now