Prologue

121 30 6
                                    

( third person POV)

" Hera bilisan mo na, ilaigtas nyo na ang sarili niyo. alam mo naman na nakasulat na ito sa proposiya, nakatakda na itong mangyari."

"hindi kuya, sumama ka na lang saamin."

binuksan ng mga guwardya ang pinto at sinugod ang lalaki, " sige na hera, umalis na kayo dito. bago pa sumara ang lagusan. bilis! susubukan ko silang pigilan"

wala nang nagawa ang babae at sinunod niya na lang ang utos ng kanyang kapatid. napunta sila sa isang gubat.

" Anak, wag kang mag-alala hahanap ako ng matutuluyan natin." hindi na napigilan ng babae ang kanyang mga luha dahil sa pait ng kanyang dinanas. magang namatay ang kanyang mga magulang kaya ang kapatid niya na alng ang natitira niyang pamilya.

"ma....ma..." biglang sabi ng sangol. napangiti na lang ang babae dahil yun ang unang salitang nabigkas ng kanyang anak. at napagtanto niya na hindi pa pala siya nag iisa.

"anak, pangako hindi kita iiwan."

pinatuloy ng babae ang kanyang paglalakad hangang sa may nakita siyang isang abandonadong bahay malapit sa isang talon. nakakapagtaka mn dahil malinis ang lahat ng mga gamit doon at puno pa ng pagkain ang mga tokador ay tumuloy parin siya. dinala niya sa isang silid ang kanyang anak at nilapag sa higaan. napabuntong hininga siya at napansin niyang may sulat na nakadikit sa dingding. kaya kinuha niya ito at binasa.

"Ang bahay na ito ay hinanda ko para sa inyo. lahat ng kailangan niyo ay nadito na kaya wag na kayong magalala. sa ilalim ng alpombra may makikita kang biyak sa sahig buksan mo iyon, yun ang gagamitin niyo sa gastos niyo araw-araw. magingat kayo diyan nandito lang ako palagi nagbabantay sa inyo.

- don"

tumulo ang luha ng babae at niyakap ang papel, mapait siyang ngumiti at tahimik na humagolhol.

( 2 years past)

"Anak, hali ka na kakain na."

mabilis na tumakbo ang batang babae papunta sa kanyang upuan.

" mama, ang bango po ng luto mo."

"oo naman anak, ako kaya nagluto niyan."

nagsimula ng kumain ang mag ina. " mama, mag lalaro po ako sa talon."

" hmm.. basta magingat ka ha."

"opo."

"sigi ubusin mo muna yan."

dalwang taon na ang lumipas at magtatatlong taon na ang anak ng babae. natuto na siyang lumangoy sa murang idad pa lang niya at may kakaiba rin siya nagagawa gamit ang kanyang kamay at isip. kaya niyang kontrolin ang tubig. alam ito ng kanyang ina kasi kaya rin niya gawin yun.

" mama punta na po ako sa ilog!"

"sige anak, maghuhugas muna ako rito tapos susunod rin ako."

dali-daling tumakbo ang bata sa ilog at agad na tumalon.

"kumusta kayo mga kaibigang isda, gusto niyo bang maglaro?"

hindi alam ng kanyang ina na nakakaintindi ng mga hayop ang kanyang anak. dahil ang kaya lang niya ay ang kontrolin ang tubig.

"anak, hali ka na maginsayo na tayo."

"mama, gustoo ko po dito lang sa ilog"

napabuntong hininga na lang ang kanyang ina at lumusong sa ilog.

O.C.E.A.N Academy ( Opal Castle of East Arabella Nacre)Where stories live. Discover now