Chapter 2

47 25 0
                                    

(Asherah's POV)

" attention all students, classes will start within an hour, please be ready..... again, attention students, classes will start within an hour, please be ready. thank you,"

ughhh!!! ano bang ingay yun? nasa mall ba ako? hayyss! Iminulat ko ang mga mata ko at bumangon na. nag inat- inat muna ako ng konte at saka dumeretso sa cr.  nag hilamos muna ako at saka tinignan ang sarili ko sa salamin.

" wow! ang ganda naman ng salamin ni Aling Flor." elegante yung design niya, may LED lights pa siya sa gilid na nakakaganda sakanya. "ang mahal siguro nito."
kumuha ako ng tuwalya na nakasabit sa gilid at saka pinunas sa mukha ko.

hmm, bakit biglang bumango ang towel ko? mahal ba yung sabun na nabili ko? 

sinabit ko ulit yung tuwalya at saka lumabas ako ng banyo at humiga ulit sa higaan ko. 

hmmm.. bakit ang lambot- lambot ng kama ko ngayon? tumayo ako at saka tinignan ang paligid....

"WHAAAA!!!!! NASAN AKO?!"

kinidnap ba ako? saan ba tong lugar nato? ibebenta ba nila yung katawan ko? yung mga panloob ko? kakainin ba nila ako? NASAN BA AKO?!!

may narinig akong kumatok kaya kahit na kinakabahan ay binukisan ko parin. But may self-defence ako.. kinuha ko yung pinaka malapit na bagay na naaabut ko mula dito sa pinto.. Isang tsenelas, goods nato..

" magandang umaga. ms. Hart, ako po pala ang inyong tagapagsilbi. Ako po si Affrah, isa po akong faun"

"AHHHH!!!! h-halimaw!!!" dali-dali kong sinara yung pinto. isa siyang tao pero may sungay siya. iba din yung ilong niya. tapos yung dalawa niyang binti ay parang mga paa ng kambing.

nasan ba kasi ako?... nakakatakot na dito... mangiyak-ngiyak akong umupo sa pinakagilid ng silid. baka pumasok yun bigla. Katabpusan ko na talaga pag ganun.

"miss, paki boksan nyo na po yung pinto kasi malelate na po kayo sa klase." biglang sabi nung nilalang sa labas.

" ano ba yang pinagsasabi mo? hindi to totoo isa lang itong panaginip..." pinikit ko yung mga mata ko at pinakalma yung sarili ko. inhale... exhale.. 

"ms. Hart hindi po ito isang panaginip. maari mo po bang buksan ang pinto at ipapaliwanag ko po sa inyo ang mga nangyayari."

Ano? bubuksan ko ba? but wala naman akong choice dba, kasi talagang naguguluhan na ako sa mga nangyayari saakin. tumayo ako at lumapit sa pinto. huminga ako ng malalim bago ko ito buksan.

pagbukas ko nang pinto ay ngumiti siya saakin at nag buntong hininga. yung nag inhale siya ng hangin kasi mukhang mataas -taas yung sasabihin niya.

" Welcome to Opal Castle of East Arabella Nacre or famously known as OCEAN Academy. A school where you can enhance your skills, strength and power to protect the needy and especially our beloved Oceanians. This School is created by the most high God of the Seas and Ocean, King Poseidon. The students are divided into three division. The Crest, Torrent and lastly is the Seismic Element or students just simply call them elements. The Crest are students who are the starters, these are students who don't know there skills or power yet. T-"

"te-teka lang, power? ano? huh! hello, nasa modern world na tayo. tapos power? ano to? fairy tale? tapos ano ba ang mga nilalang dito? mga wizard? ano to Hogwarts?" nag bibiro ba to? power? di ako ganun ka bobo para paniwalaan siya.

"am.. e paano niyo po papaliwanag ako? isa akong faun, nasa mga libro ako but nandito ako sa harap mo. Talking and explaining. and people here are mer-people they got powers that connects them with water." ano daw?Mermaid? serena? eh anong ginagawa ko dito? hindi naman ako ganun.. never ako nagka buntot everrr.. di rin naman ako allergic sa tubig. nababaliw na ba ako?

O.C.E.A.N Academy ( Opal Castle of East Arabella Nacre)Where stories live. Discover now