Chapter 5

33 12 1
                                    

(Asherah's POV)

isang buwan na simula ng pumasok ako dito sa OCEAN academy. marami ako ng natutununan sa mga klase pero may problema ako.. katulad na lang ngayon... water bending .

ano ang gagawin ko, ni hindi ko nga maigalaw kahit isang patak ng tubig. Palagi naman akong tinuturuan ni Cash every weekend. pero di ko parin ma gets, may nakakahiya nga akong nagawa eh...

[ F L A S H B A C K ]

nandito ako ngayon sa park, tinuturuan ako  ni Cash kung paano manipulahin ang tubig. at ika 32 try ko na to. ang hirap naman kasi.. yung palagi niyang sinasabi ay focus.. think of becoming one with the water... tsk..

" come on Ash you can do it. just remember focus... be one with the water." o, ayan na sinabi niya na naman. binaba ko yung mga kamay ko na kanina pa nakatutuk sa pond.

" Cash alam mo ba na yan yung palagi mong sinasabi. pwede iba naman?"

" ahmm.. ito na lang, ipikit mo ang iyong mga mata" sinunod ko yung sinabi niya, pinikit ko yung mga mata ko. " pakiramdaman mo yung sarili mo. pakingan mo ang agos ng tubig. ngayon, itutuk mo ang iyong mga kamay sa tubig." pinkiramdaman ko ang simoy ng hangin na marahang humahampas sa balat ko. pinakingan ko ang bawat agos ng tubig sa pond, itinutok ko ang aking mga kamay sa tubig.

" ngayon, magkonsintrat ka, may mararamdaman kang inerhiya na lalabas kaya wag kang magdalwang isip na ilabas yun.." sinunod ko yung sinabi niya unti-unti kong nararamdaman ang inirhiya na dumadaloy sa aking katawan... at ngayon ilalabas ko na..

isa.......................................
...............................................dalawa...............
............................................................................tatlo.........

" hiyahhhh (PROOTTT)"
" ASHHH! ano ba yun? umutot ka?"

wahhhh! lupa lamunin mo na ako... nakakhiya to.. akala ko yun na yun eh.. iba pala ang nailabas ko!!

[ E N D  O F  F L A S H B A C K ]

Ngoyon di kona alam ang gagawin ko, paano kung mangyari ulit yun? hinawakan ko yung kuwintas ko at hiniling na sansa di ako mapahiya.. palagi kong hinahawakan ang kwintas ko sa tuwing kinakabahan ako at naging hobby ko na yata yun.

" everyone, just remember to always stay focused and just imagine that your lifting the water. you don't need to be nervous, just stay calm. like this."

bumuntong hininga yung prof namin at pinikit ang kanyang mga mata. tinutok niya ang kanyang mga kamay sa tubig na nasa harap niya. tahimik kaming lahat habang minamasdan siya. nasa fountain pala kami ngayon. malapit sa Atrium. 

nakita ko kung paano niya pinalutang ang tubig at talagang hindi kapanipaniwala. kapag tinitignan ko siya ay parang napakadali lang pero ang hirap talaga.

" okay, everyone please gather around the fountain so you can practice for 10 minutes. then later on I will call you one by one to demonstrate it in front of the class."

Ash kaya mo to... lumapit na lahat sa fountain kaya sumunod rin ako..

pinikit ko yung mga mata ko at sinubukang mag focus... pero wala pa ring nangyayari.. na prepresure na ako!!! tinignan ko yung iba at ang dali lang nilang nagawa yun.. siguro hindi talaga ako isa sa kanila, siguro mali yung akala ni Cash na magagawa ko rin to. Baka nagkamali sila ng pagdala saakin dito..

"everyone, ten minutes is over. now, lets start the demonstration"

tinawag na isa-isa ni prof ang mga kaklase ko at lahat sila ay nagawa ito ng tama. " next, Asherah Zale Hart" ako na.. hinawakan ko yung kwintas ko at lumapit sa fountain.

O.C.E.A.N Academy ( Opal Castle of East Arabella Nacre)Where stories live. Discover now