Chapter 1

48 24 0
                                    

(Asherah's POV)

" Manang Sally!" dali-dal akong lumapit sakanya at nag mano.
" oh, Ash, naubos mo na ba ang mga paninda?"
" oo naman po, ako pa."
" nako ikaw talagang bata ka. oh, ito yung suweldo mo."
" ayy, salamat po Manang Sally." ipinasok ko na yung sahod ko sa pouch na dala-dala ko palagi.

si Manang Sally ay nagtitinda ng bananaque at dahil matanda na siya ay tinutulungan ko siya at binibigyan niya ako ng koteng pera dahil sa pagtulong ko sa kanya.

" Ash, iha.. ito oh, dalhin mo to sa inyo."
"nako, Manang Sally wag na po. sayo na lang po ang ulam na yan."
" sige na iha, tangapin mo na. kaarawan kasi ng apo ko kahapon at mukhang naparami ang nabili namin kaya iyo nayan."

Ano ba naman tong si Manang Sally, namimilit pa. Pero sige na nga lang, kasi mapilit siya kaya tatangapin ko na lang tong ulam na bigay niya. Mmmmm.. Naaamoy ko na yung ulam mula sa lalagyan na bigay ni Manang Sally.

"mmm... ano po pala ang laman nito?"
" AHAHAHA, nakakatawa ka talagang bata ka. Ulam, kakasabi ko lang kanina diba AHAHA"

ano ba naman tong si Manang Sally, maayos naman akong nagtanong eh.

" a-eh, ang ibig ko pong sabihin, ano po bang ulam ito? baka po kasi mamahalin."
"HAHAHA, lechon manok yan iha"
" po? lechon manok?"

 Inamoy ko yun binigay ni Manang Sally. ang bango..... manok nga to. pero di ko to pwedeng tangapin. alam ko naman na hindi lang ako ang naghihirap sa aming dalawa.

" M-manang Sally, di ko po ito matatangap." sabay abut ko sakanya nung lalagyan.
" bakit nama iha?"

Ash.... sure ka na ba? di mo ba talaga tatangapin yun? minsan lang yun.

" basta po. sayo na lang po yan."
" ah, ganoon ba iha. sayang naman to. sigurado ka ba na ayaw mo nito? masarap to, malinamnam, at siguradong mabubusog ka talaga."

mmmm... masarap...... malinamnam..... mabango........

" s-sige na nga po. mapilit po kayo eh. tatangapin ko na lnag po. hehe"
ngitiian lang ako ni Manang Sally at saka kinuha niya yung nigo basket niya.

" iha, una na ako ha, may pupuntahan pa kasi ako sa palengke."
" sige po Manang Sally, magingat po kayo."

tuluyan ng nawala sa paningin ko si Manang Sally. kaya sumakay na ako sa bike ko at pumunta sa car wash station ni Tiyo Paul.

" tiyo paul!"
" Ash, hali ka na tulungan mo na kami dito. marami na naman kaming costumer."
" nako, sige po."

dali-dali akong bumaba sa bisekleta ko at pinarada ito sa gilid. yung ulam ko naman ay nilagay ko sa basket ng bike ko. wag kayong mag alala. di yun matatangay ng pusa kasi may takip yun.

" Ash dali na!"
" nandyan na po tiyo paul."

dali-dali akong tumakbo doon sa pula na kotse at sinimulan yung linisin.

" tiyo paul, ang dami niyo yatang costumer ngayon. nako, mukhang binubwenas po kayo." sabi ko sabay piga nung pang punas.

" nag taka nga rin ako iha, alam mo ba. sa oras na dumating yang pula na kotse na yan. nag sunod- sunod na rin na nagdadatingan ang mga kotse dito." nakangiting sabi ni Tiyo paul

"ganoon po ba? ang suwerte siguro ng mayari ng kotseng to." kinuha ko yung glass cleaner at saka nilagyan ng sabon yung mga bintana.

" nga pala tiyo paul, nasan pala yung mga unggoy?"

kinuha ni Tiyo Paul yung timba ko at nilagyan ng panibagong sabon at saka pinabula niya yun.

" nandon, ineentertain yung may-ari ng kotse na yan. " sabay turo sa pulang kotse

O.C.E.A.N Academy ( Opal Castle of East Arabella Nacre)Where stories live. Discover now