Chapter 9

4 0 0
                                    

"sino ka? sagutin mo ang tanong ko."

"ako si Umbra ang legendary she-wolf nang Earth element."

Umbra? isa siya sa mga legendary, bakit niya ako tinulungan?

"Kasi konektado po ang ating kapangyarihan ginoo" bigla niyang sagot. aba't nababasa niyayung nasa isip ko? di ba uso privacy sa kanya.

"Opo ginoo, kaya kong basahin ang mga isip ng bawat nilalang pero kapag hindi niyo nais na mabasa ang iyong isip ay ihihinto ko na lang po ginoo."

"mabuti naman.. Salamat" ang lalim naman kung magsalita nito.. pero teka nga, paano ba ako napunta dito?

"ah, kung gusto niyo pong malaman kung bakit narito kayo sa aking tahanan ay dahil po kaylangan niyong magpagaling. naabutan ko po kayo sa gita nang labanan, nakita po kitang naghihina at akmang papaslangin ka na ni Enyo buti nga ay nailigtas ka pa nag kasama mo. yung babaeng kamangha mangha ang ganda, ramdam ko isa siyang mangkukulam. ngunit yung babaeng lumigtas sa iyo ay nasugatan kaya siya ay unti-unting naghihina. pati na rin ang iyung huwad na kasama kaya tinulungan ko kayo. nilabanan ko si Enyo at di niya nakayanan ang taglay kong lakas kaya sumuko siya. Pero si Enyo ay isang nilalang na di marunong tumangap ng pagkatalo, kaya kaylangan siyang bantayan."

sabi nya di na nya babasahin isip.. eh binasa nya nga ulit.. hays.. de bale na nga lang.

"so paano nga ako napunta dito? at bakit wala sila Paris? yung libro nakuha na ba nila?" ang taas nung sinabi niya pero di niya parin nasagut yung tanong ko.. bambihira nga naman.

"malubha ang iyung sugat at kinakaylangan kitang maidala dito. wag ka pong magalala ginoo sapagkat nakuha na ng mga kaibigan mo ang libro. binigay ko yun sakanila dahil ako ang nagtago at nagprotekta nang libro upang hindi na ito mahawakan at mapasakamahay ng iba pa." sabi niya.

"salamat.." sabi ko sakanya. lumapit siya saakin at saka umupo sa harapan ko. ipinaglapit niya ang kangang ulo saakin " finducia" bigla niyang sabi. at may naramdaman akong inerhiya na biglang dumaloy sa buo kong katawan. napapikit ako kasi may kung anong liwanag ang biglang lumabas sa kung saan.

unti-unting humihina ang liwanag kaya minulat ko ang mga mata ko at nganon, wala na ako sa kweba. nasa isang kwarto ako. pero walang labasan.

"ginoo." tawag saakin ni Umbra.

"nasan tayo? bat nanaman ako nandito?"

"ito ang Norux ang lugar kung saan mabubuo ang tiwala mo sa iyong tagapagbantay. ito ang ikalawang yugto ng silid aklatan. kapag nag tagumpay ka ay pwede kang makalabas-masok sa silid aklatan at para makapunta ako sakaling ipatawag mo ako."

"Norux? parang narinig ko na yan dati.. hmm.. Ito yung lugar kung saan mo bubuohin ang tinatawag nila na FIDES sa guardian ng isang royalty o and napili ng mga diwata at diyos. pero pwede rin pag pinili ka nang isang nilalang na kapareho o kapantay ng kapangyarihan na dala mo. which is tayo, pareho tayo nang elemento. so ibig bang sabihin niyan pinili ako? bakit? paano?"

"tama ka po ginoo, napili ka sapagkat dama ko ang elemento ng pangangalaga sayo. matagal ko rin hinahanap ang nilalang na mayroon nito. At mahigit isang libong taon ay nahanap ko na din."

hindi ako makapaniwala sa narinig ko. May halong tuwa at galak but this would also mean a great responsibility.

" yung Fides, paano natin yun magagawa?"

"madali lang po yan ginoo."

-----------------------------------------------------------------

[Paris POV]

O.C.E.A.N Academy ( Opal Castle of East Arabella Nacre)Where stories live. Discover now