Prologue

107 6 3
                                    


"Psychiatrist ka di ba? Pero di mo man lang madiagnose yung sarili mo na may depression ka na?"


Napatigil ko siya sa gagawin niya. Lumingon siya sa akin. Mukha niya akong susugurin.


"Sino ka ba ha? Ano bang pakialam mo?!"


Seryoso ko siyang tiningnan. Tingin ng isang nagmamahal na nawalay sa kanyang minamahal.


"Kahit di na ako maalala ng isip mo, sisiguraduhin ko maaalala ako ng puso mo. At kapag nangyari yun, ako na siguro ang pinakamasaya at pinakaswerteng babae sa mundo."


Darating ang araw na tutuparin ni Lord ang wish ko. Selfish man yung wish ko na yun pero yun lang ang tanging paraan para makasama ko ang minamahal ko, forever!


Ako nga po pala si Rita Daniela, isang simpleng nagmamaganda sa world, at wala na yatang ibang ginawa sa buhay kundi ang gumala. Yes, I am only 25 years old pero naikot ko na ata ang buong Luzon. Ganoon ako kasipag!


Siya? Siya nga pala si Ken Chan, ang love of my life. Maalaga siya at mapagmahal, kaya love ko yan siya eh. Kaya lang grabe ka naman sa amin tadhana. Masyado mo naman kaming pinaglaruan. Pero don't me huh kakaibiganin ko si Lord para tuparin niya ang mga nasa bucket list ko. 


You can never stop me tadhana, even time. 




__________

A/N 

Halluuuuu it's me again. I know napublish ko na ito dati but I unpublished  kasi may binago sa kwento. Hope you'll like it as how you appreciated my two previous works. 

My fourth book is also on its way. See youuuuu!

Into Your MindOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz