FF- Kabanata 2

2 0 0
                                    

Panibagong araw na pagbangon, paglaban, pagtitiis at pag aalaga sa mahal na Ina.

While combing her hair, she prepares breakfast for her Mother to eat. Her school supplies have dried up so even if she doesn't want to, she has to go. She doesn't understand anything in the lessons taught because her brain is flying to Mother. What does it do, if it eats, if it hears a voice again.

---

Matapos ang mabahang paghihintay ay oras na ng uwian. Nakangiti niyang isinukbit ang bag sa likod at agad na naisip ang Ina na naghihintay sa kanyang paguwi.

Saglit na lang,Ma. May kakampi ka na ulit.

She's about to step her feet on the floor out of the classroom, when Mrs. Agsunta called her. She's her adviser.

Muli siyang lumingon at hinarap ang guro na ngayon ay naka-upo sa front desk nito.

"Hintayin muna natin silang umalis." Sabi nito. She's talking about her students.

Gaya ng kanyang sinabi, inantabayanan nilang makaalis ang lahat at sila nalang ang matira. Pero si Fau-Fei ay nangangati  na ang mga paang kumaripas ng takbo at takasan ang guro upang makauwi. Alas kwatro narin ng hapon at sigurado siyang mapagagalitan na naman siya ng Ina kung hindi pa siya umuwi agad.

Nagsimula ng magtanong ang guro pero hindi niya pinakikinggan iyon dahil nakatingin lamang siya sa labas kung saan naroon dumadaan ang mga estudyanteng nag sisiuwi na.

"Fau-Fei, saan mo nakuha ang mga pasa at sugat mo?" Tanong ng guro. Hindi naman makatingin si Fau-Fei ng maayos dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ipinapahalata niya nalang na hindi niya gustong sagutin ang katanungang 'yon.

"Gusto kong maka-usap ang magulang mo,anak. Ilang araw ka ring hindi pumasok." Sabi pa nito.

Ano ba'ng sasagot niya? Hindi niya rin alam dahil hindi pwede. Kinailangan niya pang magsinungaling para lamang makalusot.

"W-wala pa ho si Mama ng gantong oras..ano...nabasa po 'yong mga gamit ko kaya hindi po ako nakapasok." Pikit mata niyang sagot. Sana ay hindi mapansin ang hindi niya pagsasabi ng totoo.

"Ang mga pasa mo?"

"Masikip kasi ang daanan papunta sa amin. Masikip rin ang bahay at maliit lang ang galawan kaya hindi ko maiwasang tumama sa iba't-ibang kasangkapan." Mga salitang lumabas sa bibig niya. Pinilit niyang hindi magsabi ng totoo kahit hindi niya gawain iyon. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung saan niya nakuha ang mga pasa at sugat sa kanyang katawan dahil ayaw niyang ipahamak ang sariling Ina.

Mukha namang nakumbinse niya ang guro dahil tumango ito. Siya naman ay kumaripas ng takbo at tinahak ang daan pauwi sa kanilang bahay. Hinubad niya narin ang kanyang lumang blackshoes, mahabang palda dahil may doble naman siyang shorts, para walang sagabal at mabilis siyang makauwi.

---

"Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?! Nag landi ka?" Nag hihimutok sa galit anh Ina habang pinapalo siya ng sinturon. Nakadapa siya ngayon sa sahig at tinatanggap ang sermon ng Ina. Pag-uwi niya ay mabilis siyang sinalubong nito at malakas na sinampal. Kinaladkad at pilit na pinadapa upang hampasin ng sinturon. Para sa kanya ay ayos na iyon. Ayos ng sintronin siya ng Ina kaysa sariling kamay nito ang pinanghahampas sa kanya. Mas masakit iyon dahil ang mga kamay na 'yon ay kanyang laging hinahawakan.

Pinili niyang hindi sumagot. Nanatili lamang siyang tahimik at hindi kumibo. Tinatanggap at sinasalo ang mga masasakit na salitang binibitawan ng Ina. 

Fau-Fei Where stories live. Discover now