Wakas

3 2 0
                                    

Fauxiah's Point of View

I had no choice but to cry. When I read the story, it was as if I went back to the past where I experienced everything. Even a few years later, this is still my most favorite story.

Ang kwento namin ni Mama.

I am Fauxiah Vruxxie Kym Fei Vyone Funtelbua. Fau-Fei for short. I proudly said that I was a suspect of how hard Mama went through. I was able to keep track of the daily changes in her demeanor and behavior. I also witnessed how my beloved Mother gradually lost her breath. I experienced how hard to take care the schizophrenic person. But I couldn't do that for a reason. She's my Mom after all. She's my ray of sunshine, especially when the days feel so dull and gray.

Tumayo ako sa sulok at inayos ang damit. Pabagsak akong humuga sa kama  habang hawak parin ang libro. Naalala ko tuloy noong kasalukuyan ko itong sinusulat.

Dalawang taon bago ako iwan ni Mama noon. Katatapos ng graduation namin at dinalaw ko siya sa kanyang himlayan. Habang nag-uubos ng oras at hinihintay na sumilim, binubuo ko ang ideya kung paano ko sisimulan ang kwento. Kaya't nang maka-uwi ay hindi na ako lumabas pa ng kwarto at tinapos ang kwento namin ng Mama ko. Natapos ko iyon sa isang gabi lang dahil binuhos ko talaga ro'n ang oras ko. Sobrang saya ko ng araw na 'yon dahil hawak ko ang pinaka mahalagang piyesa ng buhay ko.

Hanggang isang araw sa parke, naroon ako habang nirerebisa ang kwento, nang may isang babaeng lumapit sa akin. Balot na balot siya ng puting tela at umupo siya sa tabi ko. Nailang ako no'ng una dahil hindi ako sanay na may taong lumalapit sa akin. Pero pinakita at pinadama niya sa akin na hindi ako dapat matakot. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinakilala ang kanyang sarili. Isa pala siyang madre. At ang pwestong inuupuan ko noon ay ang paborito niyang upuan.

Napansin niya ang kwadernong hawak ko. Hiniram niya iyon kaya't binigay ko. Hinayaan ko siyang basahin ang kwentong sinulat ko at nahihiya pa ako noong una.  That was the very first story I wrote. I didn't really know anything about writing then but I just let myself know where to take me. When she finished reading the story, she looked deeply at me and suddenly hugged me tightly. I also felt the wetness of my shoulder so I knew she was crying.

Inaya niya akong sumama sa kanya kaya't hindi ko na lang alam kung bakit bigla na lang akong sumama kahit ngayon ko palang siya nakita. Siguro'y sinadya ng tadhana na magkita kami.

Dinala niya ako sa isang matahimik na lugar. Iisang bahay lany ang nakatayo sa gitna ng bukid kaya't naalala ko pa no'n ang bahay namin ni Mama.

Nang makapasok sa loob ay sinalubong kami ng dalawa pang babae na nakasuot ng katulad ng kanya. Mga madre sila. Pinakilala niya ako sa mga iyon. Niyaya nila akong kumain at habang kumakain, binabasa ng dalawa niya pang kasama ang kwentong sinulat ko. At gaya ng una, nilapitan nila ako at niyakap. Nagyakapan kaming tatlo at sinabi nilang tutulungan nila akong makapag limbag ng libro. Tutulungan nila ako na dumami ang kopya ng storyang sinulat ko ng sa gayon ay mabasa rin ng iba.

Hindi tumagal, pinatira na rin nila ako sa tahimik na bahay. Lalo na noong nalaman nila na storya namin ni Mama ang naro'n. Sinabi nila na tutulungan nila ako. Hindi iiwan at aalagaan. Mabilis akong nag tiwala sakanila dahil napaginipan ko si Mama noong gabing 'yon. Binulungan niya akong magtiwala sa tatlo kaya't gano'n ang ginawa ko.

Labin-limang taon ako. Sakto. Nang mahawakan ko ang maraming kopya ng librong sinulat ko. Mahaba ang proseso at pag hihintay pero tataba naman ang puso mo kapag nasa harapan mo na ang napakaraming libro na ikaw mismo ang may gawa. Muli nila akong tinulungan sa marketing ng libro, pagkuha ng ISBN para pwedeng ma-distribute sa iba't-ibang book store o library.

Walang sawa akong nag pasalamat sa kanila noon. Sobrang saya ko kahit noong una ay natakot ako. Pinalakas nila ang loob ko at sila ang dahilan kung bakit lumapit ang loob ko sa Diyos. Hindi nila ako iniwan hanggang sa unti-unti kong makamit ang mga pangarap ko. Mas ginaganahan ako sa tuwiny makikita ko ang mga ngiti nila sa bawat pagtatagumpay. Sobrang saya ko dahil mayroon akong tatlong Ina. Ito siguro ang sinabi noon ni Mama. Tinupad niya ang sinabi niya sa akin noon na hindi man siya ang mag-alaga sa'kin, pag darasal niya na magkaroon ako ng magulang na mag mamahal sa akin ng lubos. Wala akong ama, kapatid o kaibigan. Pero sapat na ang apat na Nanay na mayroon ako. Sobrang swerte ko nalang dahil mayroon akong sila.

Fau-Fei Where stories live. Discover now