FF- Kabanata 9

1 1 0
                                    

Walang nakapigil sa kanya at patuloy lamang sa pagtakbo. Hindi niya narin nagawang humingi ng tawad sa bawat taong matatamaan o mabubunggo niya. Sino nga ba'ng makapipigil sa isang anak na gustong makita ang kanyang Ina.

Hinihingal niya pang binuksan ang pinto. Tumingin sa kanya ang lahat pero hindi niya pinansin ang iba. Agad-agad niyang nilapitan si Aling Wanna na ngayon ay nakatulala lamang sa taas. Nakasuot na ito ng hospital gown. May nakakabit na dextrose at umaliwalas ang mukha dahil maayos ang buhok hindi tulad dati.

"Ma? Nandito na 'ko..." Bulong niya sa pagitan ng yakap. Naramdaman niya naman ang paggalaw kaya't mabilis siyang humiwalay at hinarap ang Inang nakatingin rin ng diretso sa kanya.

Bumuka ang nanunuyong labi nito pero walang lumabas na salita. Hinaplos niya ang mukha ng Ina at nagturan.

"Ayos lang,Ma. H'wag mong pilitin." Sabi niya dahil nahalata niyang hirap ito sa pag sasalita.

Matagal pa siyang tinignan ng Ina at tska nito inangat ang kamay. Akala ni Fau-Fei ay muli ma namang tatama sa kanya iyon kaya't mariin niyang ipinikit ang kanyang mata. Hinintay niya ang masakit at mahapding pagtama no'n pero hindi iyon ang dumapo sa kanya.

Kaunting nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa Ina na ngayon ay hawak at marahang hinahaplos ang kanyang mukha. Pinakadama niya iyon kaya't muli niyang pinikit ang mata at hinawakan ang kamay ng Inang nasa mukha niya. Sa unang beses na paglapit sa Ina, hindi sumalubong sa kanya ang nakamamanhid na sampal nito.

"Dalaga na ang anak ko..." Wika nito. Minulat niya ang mata nang marinig ang mala-anghel na boses ng Ina. Hindi tulad dati na halos panay naka-sigaw at nag mumura ito.

"Mag-aasawa ka ba?"

Umiling siya at mas hinigpitan any hawak sa kamay nito. Ayaw niya ng bitawan ang malalambot na kamay na siyang nag pakalma sa kanya. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa niya na. Ayaw niya ng tumigil ang pagkakataong 'to kung sa'n nakaka-usap niya ng maayos ang Ina.

"Hindi ko na po kailangan ng iba. Sapat na po ako sa'yo, Mama." Tapat na sagot niya. Mapait namang ngumiti si Aling Wanna ng marinig ang sagot ng anak.

Hindi niya magawang sang-ayunan ang anak na babae dahil alam niyang hindi na siya tatagal.

"Marami akong pangarap sa'yo..." Sabi niya. Gusto niyang sabihin ang lahat hanggat hindi pa umaatake ang kalaban.

"Hindi ko na iisa-isahin anak dahil kung sa'n ka dadalhin ng tadhana, do'n ako." Dagdag niya pa. Hindi niya na talaga masasabi ang mga 'yon dahil hindi niya na magagawang suportahan ang anak. Kahit anong ngayon ay pwede niya na itong iwan. Masakit pero wala na siyang magagawa. Hindi niya naman hawak ang kanyang kapalaran. Kung hawak niya lang, sana ay matagal niya ng binago ang lahat.

"Ma...tutuparin po natin 'yon ng magkasama.." tila ba may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig 'yon. Gustohin niya mang samahan ang anak, at pumalakpak sa tuwing mag tatagumpay ito, hindi niya na magagawa.

"Idol kita." Turan niya at hinaplos ang buhok ni Fau-Fei.

"Ikaw ang super star ng buhay ko, Fau-Fei..." Kasabay ng pagkawala ng kanyang luha ay ang panginginig ng labi ng anak. Nasabi ni Fau-Fei sa sarili na worth it lahat ng pag hihirap niya dahil niya na mula sa Ina ang salitang mas makapag titibay sa kanya.

"Hindi kita ipagpapalit sa kahit sinong anak. Kasi sa'kin ka lang. Sa'kin ka binigay pero...pero hindi kita naalagaan ng maayos." Mas tumindi ang kanyang pag-iyak ng muli siyang yakapin ng anak. Ngayon niya naramdaman ang init ng yakap ng isang anak na matagal niyang hindi naramdaman.

Fau-Fei Where stories live. Discover now