FF- Kabanata 6

0 0 0
                                    

Minsan, kapag humiling o may nasabi sa atin ang mga magulang natin, hindi natin alam kung seryoso ba sila sa kanilang sinasabi o sinabi lang nila iyon dahil gusto nila.

Kasalukuyan silang nanonood ng T.V ng bigla na lamang batakin ng Ina ang buhok ni Fau-Fei at nag turan.

"Hoy tanga, pagawan mo 'ko ng berdeng bahay, para naman may silbi ka." Sabi nito tsaka binitawan ang hinilang buhok. Inayos iyon ni Fau-Fei at muling tumingin sa telebisyon. Nanonood kasi sila ng house tour ng isang sikat na vlogger. Kay ganda nga naman ng bahay kaya't sino ang hindi mangangarap na magkaroon ng gano'n.

Tumahimik lang si Fau-Fei dahil alam niyang wala lang naman ang binitawan na iyon ng Ina. Halos lahat naman yata ng sinasabi nito ay wala lang dahil sa komplikasyon.

---

Paulit-ulit niyang pinagagalitan ang sarili sa kagitnaan ng gabi. Pa'no kasi ay hindi niya mapigilan ang Ina sa balak nitong gawin. Kahit anong pagpupumilit ang gawin niya ay hindi niya parin magawang pigilan ang Ina. Nag sisimula narin siyang mainis.

"Ma, hindi po pwede." Nakaharang siya ngayon sa pintuan at hawak ang door knob para hindi makalabas ang Ina.

"Bakit?! Manghuhuli lang kami ng tutubi!" Paglaban nito tsaka siya pilit na itinutulak palayo sa pinto. May kung anong pumasok na naman sa isip niya dahilan upang sa alas onse ng gabi ay naisipan niyang manghuli ng tutubi.

"Mama, wala na pong tutubi niyan. Natutulog na sila, matulog na rin po tayo." Inilalaki niya ang papikit na mata dahil sa antok. Hindi sya pwedeng matulog ngayon kaya nilalabanan niya ang tuluyang pagbagsak ng talukab ng mata.

"Gigisingin ko! Alis ka diyan, huhuli ako tutubi, bibigyan kita. Gagawin nating pet." Paliwanag pa nito na parang kinukumbinsi siyang hayaan ng lumabas. Pero hindi parin siya papayag. Kahit anong gawin ng Ina ay hindi siya papayag dahil unang-una sa lahat, wala kahit isang saplot na suot ang Ina. Hinubad nito kanina ang mga iyon dahil mag da-dive raw siya sa pool. Pangalawa, madilim na sa daan at delikado. Natatakot siyang baka pagsamantalahan ang Ina, dahil alam niyang wala itong laban.

"Ma, bukas nalang po." Kahit parang nauubusan na ng pasensya ay pilit niya paring pinakalma ang sarili upang hindi makagawa ng bagay na maaring maka-apekto sa reaksyon ng Ina. One of the rules. Be encouraging and understanding. Keep conversations short and simple. Sa kahit anong paraan o dahilan kailangan niyang maging mahinahon para sa reaksyon ng Ina.

"Hindi nga pwede nga. Kailangan ngayon. Tsaka..." Tumingin ito sa taas at pinunasan ang butil ng pawis sa noo.

"Bakit ang init? Gusto ko sa labas." Muli, pinilit nitong lumabas pero nakaharang si Fau-Fei sa pinto. Ang tensyon ay mas tumindi ng manlaban si Aling Wanna. Nauntog pa ang bata sa pinto dahil sa sobrang kagustuhan ng Inang makalabas. Hindi naman papayag si Fau-Fei ro'n kaya gamit ang kanyang buong lakas at hinila niya ang Inang nagpupumilit lumabas, at ipinasok ito sa kwarto. Isinarado niya ang pinto at ikinando. Ayaw niyang mangyari ang bagay na ito pero nagagawa niya dahil natatakot siya sa susunod na mangyayari kapag hinayaan niya ang gano'n. Na sa sobrang lala ng sitwasyon ay kahit siya mismo, nagagawang ikulong ang sariling Ina.

Nagpaikot-ikot siya habang hawak nakatiklop ang pawisan niyang mga palad. Nag-iisip siya ng pwedeng gawin dahil rinig niya ang pagwawala ng Ina sa loob ng silid nito. Hindi niya na kayang marinig iyon. Hindi niya kayang gano'n ang Ina. Pero ano pa ba ang pagpipilian niya? Walang iba kundi ang ikulong ito dahil niya naman kayang patigilan ang Nanay niya sa sumpong.

Sorry Ma, patawarin mo ako kung nagagawa ko ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa ko sayo.

---

Fau-Fei Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin