FF- Kabanata 5

0 0 0
                                    

Schizophrenia is a serious mental disorder in which people interpret reality abnormally. It may result in some combination of hallucinations, delusions, and extremely disordered thingking and behavior that impairs daily functioning, and can be disabling.

In fact, an estimated 70 to 80% of people with schizophrenia hear voices. These voices can call your name, argue with you, threaten you, come from inside your head or via outside sources, and can begin suddenly and grow stronger overtime.

---

"Ma, kumain na kayo.." ani Fau-Fei habang hinahalo ang lugaw na inutang niya kina Aling Nena para sa almusal ng Ina. Isang order lang ang inutang niya dahil hindi siya sanay na nag-aalmusal sa umaga.

"Ma?" Para siyang kumakausap ng hangin dahil kahit na nasa harapan niya ang Ina ay hindi ito kumikibo. Hindi nag sasalita at talukab ng mata lamang ang gumagalaw. Reduced Speech. One of the negative symptoms of her disorder. It can involve someone speaking notivceably less than they used to. This particular symptom could be also be observed as someone speaking less fluently than before.

Ibinaba niya ang hawak na pinggan at tinabihan ang Nanay tsaka niya isinandal ang ulo sa balikat nito. Ipinikit ang mata upang madama ang presensya ng Ina. Madalang niya lang magawa ang bagay na ito. Minsan niya lang malapitan ng ganito ang Ina kaya sa tuwinh may pagkakataon siya ay sinusulit niya iyon dahil hindi niya alam kung kailan niya ulit ito magagawa.

Sermonan mo na ako, Mama. Mas gusto ko 'yon kaysa tahimik ka.

---

Sinusundan niya lamang ng tingin ang Ina habang nagpapalakad-lakad ito sa loob ng kanilang tahanan. Kanina pa ito hindi makali at tila may gustong gawin.

"Ma? May gusto po ba kayo?" Hindi na siya nakatiis at kaniya na itong tinanong. Tinignan lamang siya nito at nag patuloy sa paglakad.

"Ma."

"Shh! May meeting kami." Pagbabawal ng Ina habang ang hintutura ay nasa nguso.

Natikom lamang ang bibig ni Fau-Fei at bahagyang napa-atras ng makasinghot ng hindi kaaya-ayang amoy galing sa bibig ng Ina. May pagitan sila pero still, naamoy niya parin iyon. Schizophrenics have a poor hygiene. Antipsychotic medication causes dry mouth, which can contribute to poor oral health. Without enough saliva, a person is more likely to have problems such as cavities and bad breath.

Pero kahit na gano'n ay hindi siya nakaramdam ng pandidiri sa Ina. Amoy lang 'yon, hindi mawawala ro'n ang pagmamahal niya sa Inang nagluwal sa kanya at nag-introduce sa kanya ng mundong ginagalawan niya.

---

Habang nag hahanda ng pagkain para sa pananghalian ay lumilingon-lingon siya sa kanyang notes sa tabi ng mga pinaghahalo-halo niyang pagkain. Nakasulat kasi sa kwadernong 'yon ang mga pagkain hindi nararapat sa Ina. Maingat niya iyong binabasa dahil kung hindi niya iyon nasunod ay maaring ma-trigger ang Nanay niya sa mga pagkaing bawal rito. The foods or chemicals that produced most severe mental reactions were wheat, milk, cane, sugar, tobacco smoke and eggs. However, more recent research hasn't found that coeliacs disease in more prevalent among those with schizophrenia or vice versa.

Kaya hanggat maari ay mga gulay lamang ang pinakakain niya rito kahit minsan ay sinasabi ng Ina na sana ay naging kambing nalang siya dahil mga dahon ang kanyang kinakain. Minsan pa ay tinatapon lang nito ang inihanda niyang pagkain dahil nagsasawa na siya sa araw-araw na gulay ang natitikman ang kanyang panlasa.

"Ma,kakain na po." Nilapag niya ang mangkok ng vegetable course with blue ternate, also known as clitoria. Others also call this a butterfly pea, but they all the same. That flower has so many benefits with our health. And even if it is a kind of flower, it's edible. So, safe for her.

Fau-Fei Where stories live. Discover now