FF- Kabanata 10

2 1 0
                                    

Grief is like the ocean, it comes in waves ebbing and flowing. Sometimes the water is calm, and sometimes it is overwhelming. All we can do is learn to swim.

After an gangling drive naitapak niya na ang kanyang paa sa target niyang lugar kung saan bumyahe pa siya ng walong oras. Determinado siyang mapuntahan ang lugar na ito kung saan inalay niya ang kanyang dugo't pawis.

She snatched the key from her pocket and opened the door. She looked up and looked around. She smiled slightly to see the fruit of her efforts.

Matapos ang ilang taong pag-aaral kasabay ng pagta-trabaho, nakapag pundar si Fau-Fei ng bahay. Ang berdeng bahay na binanggit ng kanyang Ina noong nabubuhay pa.

"Ma, naalala mo 'yong sinabi mo noon? Ito na 'yon, Ma, oh. Naipatayo na kita ng bahay. Ang sabi mo no'n, pagawan kita nito para naman may silbi ako. Nabuo ko na,Mama. May silbi na po ba ako?" Tanong niya sa kawalan. Ibang-iba na si Fau-Fei kumpara noon. Iba na ang kanyang pagtindig, pagsasalita, kilos, porma, pero hindi nag-iba ay ang pagmamahal sa iba. Ginawa niya ang lahat para matupad lang ang kahilingan ng Ina noon. Kung sa iba baliwala lang ang bawat salitang lumalabas sa bibig kanyang nanay, siya hindi. Tinandaan niya iyon at unti-unting tinupad.

You dream about your Mom? Well, dreams can be very telling of other circumtances in your life that maybe affecting you on a deeper level. If you're dreaming about you and your Mom fighting and possibly ignoring you, or even your mother dying, these can all be symbolic of the existing relationships in your life.

Tinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang pulsuhan kung saan naro'n nakatatak ang tatlong simbolo na ginuhit ng Nanay niya noon. Itinapat niya ito sa sikat ng araw at doon niya palang malayang naaninag ang tatlong bituin. Pina-tattoo niya bilang ala ala sa namayapang Ina. Pero ang tattoo ay hindi niya pinapinta ng itim na tinta kundi, clear. She make it hidden tattoo. Pinasadya niya talaga ang bagay na iyon dahil gusto niya, siya lang makakakita sa gawa ng Ina. Doon kasi siya nasanay. Nasanay siyang silang dalawa lang ng Nanay niya ang magkasama kaya't dinala niya iyon hanggang sa pagtanda.

"I know you are listening from above. There's nothing that I value more than your love. No matter where I am or what I'm doing, your memories will always keep me smiling." Sabi niya habang hinahaplos ang sariling pulsuhan. Sa mahabang panahon na pagka-ulila sa Ina, mas lalo siyang nag pursigi upang may mapatunayan.

Ginawa niyang inspirasyon ang lahat ng kanyang mga napagdaanan tsaka unti-unting gumabay upang magsimula muli ng buhay. Sabi ng matatanda, kailangan mo raw munang sumemplang bago tuluyang matutong magbisekleta. Kasama raw ang mga pasa at galos sa proseso ng pagkatuto. Pagkahilom ng mga sugat, maipapadyak mo na ang bisekleta nang mas matulin---at may lakas ng loob na makararating sa iyong destinasyon nang hindi na muling natutumba.

Ganoon din daw sa buhay. Kailangan mo munang mabigo bago magtagumpay. At mas mainam pa kung maraming beses ka mabigo dahil ang bawat pagkatalo mo raw ay isang hakbang palapit sa tagumpay.

"Ikaw ang nagsindi sa napupundi kong pangarap,Mama." Sabi niya pa at nag pakawala ng malalim na paghinga. Isa-isa niyang tinupad ang mga pangarap ng Ina. Nakapag patayo ng sariling mental hospital, nag hanap ng maraming care giver, nagkaroon ng proyekto para sa mga batang walang sapat na kakayahan upang makapag-aral, at higit sa lahat, ay ang pangarap niyang makapag patayo ng iba't-ibang klase ng ampunan. Para sa mga matatanda, bata, may kapansanan, at ang ampunan para sa mga may karamdaman na gaya ng sa Ina.

"Nag papasalamat ako sa'yo dahil sa'yo ako nanggaling, Mama. Ikaw ang binigay sa'kin, natuto akong lumaban."

To fight and conquer in all our battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in the breaking the enemy's resistance without fighting.

To be nobody but yourself in a world which is doing its best, night and day, to make you everybody else--means to fight the hardest battle which any human being can fight; and never stop fighting.

Sa muling pagkakataon, pinagmasdan niya ng buo ang berdeng bahay na gusto ng Ina. Mula sa bintana, kurtina, hagdan, at lahat ng kagamitan sa loob nito ay kulay berde. Siguro siyang natutuwa at malawak ang ngiti ng Nanay niya ngayon dahil nabigay niya ang gusto nito.

"You're the heartbeat of this house,Ma. And without you there seems to be heart throb." Sabi niya sa hangin at pinunasan ang tumulong luha galing sa mata.

"Sa tuwing maaalala kita, sariling luha ko nalang ang pinupunasan ko dahil wala ka na sa tabi ko." Isa sa mga nabago ay ang kanyang emosyon. Kung noon ay natitiis niyang hindi umiyak at ipakita sa Ina na malakas siya, ngayon ay hindi na. Malakas siya sa harap ng mga tao. Nagagawa niyang ngumiti ng malawak kahit alam niya sa sarili niyang peke iyon. Dahil ang malawak na ngiti, napapalitan ng malakas na paghagulgol sa tuwing mag-isa nalang siya. Hindi parin siya napagod na tawagin at hanapin ang Ina sa tuwing nakararamdam siya ng pagka-ulila.

At ngayong may sarili na siyang buhay, hindi niya parin maialis sa sarili niya 'yon dahil wala na siyang ibang kailangan kundi ang Ina.

"No matter what age... I still need you, Ma."

"Fau-Fei, halika na anak."

Agad niyang pinunasan ng luha matapos marinig ang boses na iyon sa likuran. Naroon na ang mga taong may busilak na puso na tumulong rin sakanya upang bumangon.

Patakbo siyang lumapit sa mga 'to at niyakap. Sila ang nakasama niya sa panibagong laban na kanyang tatahakin.

Accomplishments don’t erase shame, hatred, cruelty, silence, ignorance, discrimination, low self-esteem or immorality. It covers it up, with a creative version of pride and ego. Only restitution, forgiving yourself and others, compassion, repentance and living with dignity will ever erase the past.

Life is perphas after all simply this thing and then the next. We are all of us improvising. We find a careful balance only to discover that gravity or stasis or love or dismay or illness or some other force suddenly tows us in an unexpected direction. We wake up to find that we have changed abruptly in a way that is perculiar and inexplicable. We are constanly adjusting, making it up, feeling our way forward, figuring out how to be and where to go next. We work it out, how to be happy, but sooner or later comes a change-sometimes something small, sometimes everything at once- and we have to start over again, feeling our way back to a provisional state of contentment.

The beginning is always today.

***

Minsan lang tayong magkaroon ng Ina. Minsan lang natin mararamdaman ang kanilang pag-aaruga. Kaya't hanggat nandyan pa, mahalin at pahalagahan mo na. Dahil darating ang araw, hindi na natin sila makakasama. May mga Nanay na agad kinukuha sa atin. Kaya 'pag dumating ang araw na 'yon, wala nalang tayong magawa kundi ang umiyak, magsisi, magalit at higit sa lahat, matuto. Matuto sa bawat araw na dumaraan. Kasama na rito ang pagkatuto kung paano tumayo sa sarili nating mga paa. Kung noon ay nariyan pa sila upang tayo'y gabayan no'ng tayo'y nag aantalalan pa, darating ang araw na sasamahan natin sila, at ihahatid sa huling hantungan na.

Huwag kang aalis sa tabi ng Nanay mo. Gumawa kayo ng memories na magkasama na babaunin niyo hanggang sa huli. Pahalagahan mo ang bawat pangaral at sermon niya. Huwag kang magtatampo o magagalit sa tuwing pinapagalitan ka. Dahil ang Nanay, wala silang ibang iniisip kundi ang kanilang mga anak. Naranasan nilang mapuyat, noong sanggol ka pa. Na i-stress sa tuwing may hindi tama sa kinikilos mo. Pero kahit na gano'n, nanatili parin silang nasa tabi mo. Maswerte ka dahil may nanay ka pa. Huwag mong kalimutan na mag pasalamat sa kanya. Kahit simpleng pasasalamat lang, tataba na ang puso niya.

Nothing is more essential than a mother. She' s the rare and unique one. Mom is universal. As well as her love. Significantly essential mother.









































***

Fau-Fei Where stories live. Discover now