FF- Kabanata 3

0 0 0
                                    

She was on cloud nine when her adsiver give her card and show the result. Pumapalakpak ang kanyang tenga habang unti-unting pumapasok sa isip niya ang nangyayari.

Nabuhay ang mga kalamnan niya ng makita ang mga matatas na gradong nakuha. Hindi niya inaasahan ang ganito dahil alam niya sa sarili na panay ang liban niya sa klase. At alam niya rin sa sarili na marami siyang pagkukulang lalo na sa mga projects. Wala kasi siyang oras para gawin iyon. At minsan lang rin siyang makaupo sa kanyang silya dahil  para siyang kabute na lulubog, lilitaw. Pero ngayon ang general average niya na muntik ng maabot ang perfect score. 98%.

Sa kabilang banda ay ang guro niyang nakangiti sa kanya. Parang hinahaplos ang puso nito nang makita kung paano manlaki ang mga mata ni Fau-Fei habang isa-isang tinitignan ang grade. Nakakahawa ang reaksyon ng bata. Halatang hindi makapaniwala sa mga nakikita.

"Mas matalino ka kaysa sa iniisip mo." Hindi niya na napigilan ang sarili at sinabi iyon. She's proud teacher here. Hindi niya nakikitaan ng pagsisikap si Fau-Fei dahil masyadong malihim ang bata. Tahimik pero matinik.

"Hindi ako pumirma diyan." Dagdag niya pa kaya tinalikod ng bata ang hawak na papel. Blangko ang linyang nakaraan do'n para sa pirma ng magulang.

"Huwag mong pag sasabi sa iba,ah? Magulang dapat ang pumipirma diyan." Sabi pa nito. Saglit namang natahimik si Fau-Fei. Iniisip niya kung pipirmahan ba ng Nanay niya 'to.

"Tiyak matutuwa iyon sa taas ng marka mo." The widest beam formed on Fau-Fei's lips. Isa lang ang naisip niya sa mga oras na iyon. Ang kanyang Inang nasa bahay. Sigurado'y matutuwa iyon sa resulta ng kanyang grades. Baka bigyan pa siya nito ng reward pero hindi niya na inisip 'yon. Kahit kailan ay hindi niya naman hinangad na magkaroon ang gano'n, dahil sapat na sakanya kung anong mayroong siya. Nag-aaral lang kasi siya at hindi nakikipag kompitensya. Kaya bakit kailangan ng reward? Lahat naman ay pwedeng makakuha ng ganoong marka lalo na kung magsisikap.

Nag paalam na siya sa guro at dumiretso sa bahay. Naging mabilis lang ang nilakad niya dahil sa sayang nararamdaman. She was jumping like an alarm clock. Marami ring senaryo ang nabubuo sa kanyang isip kung ipakita niya ang grade sa Ina. Pero matutupad bang mangyari 'yon? Gayong gano'n ang kalagayan ng Ina?

"Mama!" Ang sigaw niya ay bumalot sa loob ng bahay.

"H'wag kang maingay boba." Bigla na lamang lumabas ang Ina sa kusina at binato ang takip ng kaldero kay Fau-Fei. Mabuti nalang ay mabilis na naka-ilag ang bata.

"Mama!" Habang papalapit sa Ina ay tumatalon-talon pa ito at malawak ang ngiti.

"89 po ako sa Math!" Anunsyo niya at hinarap ang card sa Ina. Tumaas ang kilay nito at nilampasan siya. Parang walang narinig at binaliwala lang ang magandang balita galing sa anak.

"89 lang? Bakit 89 lang?" tanong nito at umupo sa bangkong kahoy.

"Ako lang po ang nakakuha ng gano'ng grado sa amin."

"Tapos lahat ay 96? 98? Bobo mo naman." Sabi pa nito at mukhang na-disappoint. Tumahimik nalang siya dahil hindi naman iyon ang totoo. Siya lang ang nakakuha ng 89 grade, which is the highest. At ang lahat ay mas mababa na ro'n. Hindi niya pwedeng kontrahin ang Ina dahil makakaapekto ito sa kanya. Don't argue. Iyon ang pinaka-unang paraan kung paano maka-usap ng maayos ang mga gaya ng Ina.

"Matalino ka lang kasi may nire-review. 'Pag wala na? Tanga ka na." Dagdag pa nito. Pero kahit na ganoon ay nanatili siyang kalmado at nakatingin lamang sa baba. Gustong niyang sabihin na sa sobrang pokus niya sa Ina ay hindi niya na magawang harapan ang pag-aaral. Minsan ay nakakaligtaan niya ng gawin ang mga takdang aralin kaya't sa umaga bago pumasok ay hihinto siya sa parke upang doon magsagot. Umaasa nalang siya sa naka-imbak na kaalaman sa utak niya dahil hindi niya na magawang mag-review.

Fau-Fei Onde histórias criam vida. Descubra agora