| Chapter 12 |

0 0 0
                                        

Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Xuxe.Ano bang..ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.Naiinis siya sa akin dahil?

Ni wala man lang siyang sinabi! Mababaliw na ako.

Nitong mga nagdaang araw ay mas naging malapit sila ni Zin habang si Alexis naman ay palihim na nagrereklamo.Pinatatanong niya pa sa akin kung gusto nito ang lalaki.

Hindi ko naman pinapansin dahil mukhang magkaibigan lang naman sila.Kahit may mga bagay na gumugulo sa akin,hindi ko siya inistorbo para magtanong.

Ayo'ko.Kusa niya rin iyong sasabihin sa akin.

"Bri! Itanong mo na,sige na naman!" Pagmamaktol pa nito.

"Ayaw.If she likes Vexuxe,let her.Jowa ka ba para tumutol,ha?!"

Natahimik siya bigla.

Bihira ring sumama sa amin si Zin kahit na sinabi niyang gusto niya akong maging kaibigan,hindi niya naman ako laging nilalapitan.

Close na sila ni Alexis before pero nang mapalapit ito kay Xuxe ay sa kaniya na madalas sumama.Tapos hindi pa ako binubuntutan ng lalaki.

Mas marami silang oras magkasama.

"Aminin mo na kasi.."

Kinunutan ko agad ng noo si Alexis na inilapit pa ang mukha sa akin para sabihin iyon.

Anong aaminin?

"Nagseselos ka,"

"Hindi kaya!" Agad kong tanggi,napatayo pa ako sa inuupuan para sabihing hindi.

Nginisian niya pa ako.

"Palagi kang bad mood kasi hindi mo na nalalapitan si Xuxe," Patuloy niya pa.

"Alexis!" Singhal ko rito.

"Naiinis ka kasi wala na sa 'yo ang atensyon ng Vexuxe na 'yon."

Lukot na lukot na ang mukha ko.Naiinis ako kasi totoo ang mga sinasabi niya.Nakakainis dahil tinamaan ako,hindi man lang nabigyan ng chance makailag.

"Oo na." Pagsuko ko.

Umupo ako ulit at bumuntong hininga.

I can't deny it.I am slowly falling for him.Ngayon pa kung kailan umiiwas na naman siya,ngayon pa kung kailan may ibang nag-e-entertain sa kaniya.

"A-Ano?"

Taka kong tiningnan si Alexis.Hindi niya ba expected ang sagot ko?

"Nagseselos ako,naiinis at palaging bad mood dahil doon." Pag-amin ko.

Gulat na ekspresyon niya ang nakatitig sa akin.

"Teka..i-inaasar lang kita,totoo pala?"

Napatulala pa ako sa kaniya bago dahan dahang tumango.

Inaasar lang pala ako! Bakit ko inaming totoo nga ang mga paratang niya?! Nabisto ako ng wlaa sa oras pero ayos lang,kaibigan ko si Alexis.

Ligtas 'to sa kaniya.

"Bri..dalaga ka na!"

Inirapan ko lang si Alexis na halos yakapin ako sa tuwa at gulat.Para siyang tanga,tatay ko ba siya at nagkakaganiyan ng malamang may nagugustuhan na ako?

Napatulala ako sa kawalan.

Do i really have a feelings for him na? I mean,this isn't shocking.Ang tagal na rin niya akong nililigawan at hindi imposibleng mangyari ito.

Maybe..i was waiting for him to give up to made me realize that i truely like him.But why? Bakit ngayon lang?

Paano kung..hindi na niya ako gusto? Paano kung si Zinelle na? Paano na..ako?

Turning TablesWhere stories live. Discover now