| Chapter 25 |

0 0 0
                                    

"Gising na si Xuxe,"

Agad akong napabangon sa kama,halos matumba pa.Sa pagmamadali ay hindi na ako nakaligo,nag-ayos na lang ako ng katawan.

May pasok ngayon pero handa akong um-absent para makita si Xuxe.Dalawang linggo siyang hindi nagmumulat,miss na miss ko na siya.

Napatigil ako bigla ng makita sila Ate Vea at Vera sa 'di kalayuan.Napakunot ang noo ko ng makitang umiiyak ang dalawa.Agad ko silang nilapitan.

"Ate,bakit po?" Nag-aalalang tanong sa kanila.

Pilit silang ngumiti at umiling sa akin.

Nagpaalam na akong papasok na sa loob ng masiguradong ayos sila.They assure me na okay lang sila..Kahit nagtataka'y um-oo na lang ako.

Kinakabahang pinihit ko ang doorknob.

Anong gagawin ko kapag nakita ko siya?

"Bakit mo ako niyayakap?"

Nanlamig ako sa kinatatayuan.

Ano raw? Niyakap ko siya kasi gising na siya,kasi akala ko matutuwa siya,kasi sobrang na-miss ko ang Vexuxe ko.

"V-Vexuxe.."

Nababakas ang pagtataka sa kaniyang mukha.Sobrang inosente ng itsura niya,na parang wala talaga siyang alam sa nangyayari.

"Vexuxe? Sino? Ako ba 'yon,miss?"

'Yong ulo niya..p-posible ba?

"A-Anong sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ko.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at naguguluhan akong tinapunan ng tingin.

"Sino ka? Anong ganap mo sa buhay noong Vexuxe?"

My heart throbbed in pain.

Does he..he really f-forgot me? Posibleng my amnesia siya dahilan ng pagkakabagok ng ulo niya sa aksidente? No.Please,no,hindi pwede.

"A-Ako 'to,Xuxe..Si N-Nikee,"

"Ang babaeng m-mahal na mahal mo.." Nanghihinang sambit ko.

Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha.

Hindi niya ako naalala? Sabihin niyo namang nagbibiro lang siya,please..ginagawa niya 'to para mapatawad ko siya? Tama ba? Niloloko niya lang ako.

"Vexuxe,h-hindi na ako natutuwa.Pinapatawad na kita kaya p-please,stop this bullshit."

Napaawang ang labi niya ng tuluyan na akong naluba sa harap niya.Sa harap ng lalaking mahal ko na ngayo'y hindi ako naalala.

"Pero..hindi talaga.." Maingat niyang sagot.

Napasabunot ako sa sariling buhok.He tried to get up but he can't,masakit pa ang katawan niya.

Lumuluhang tinitigan ko ang may benda sa ulong si Vexuxe.Ang itsura niya,parang wala talaga siyang naiintindihan sa nangyayari.He even asked me why he's here.

This is just a dream,right?

My Vexuxe would not forget me,he promise..not to forget me no matter what happen.

"Y-You broke your promise.."

Ang isa sa mga pinanghahawakan kong pangako niya,nasira na rin.Nang dahil sa aksidente,na nangyari dahil sa kalokohan niya at ng Zinelle na iyon.

Nawala na ang lahat.

Ang tanging pinanghahawakan ko na lang na pangako niya ay ang hindi pag-iwan sa akin kahit anong mangyari.Sana kahit ganito,hindi niya ako iwanan.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon