| Chapter 18 |

0 0 0
                                    

"Apat na araw na ligawan tapos kayo na agad?"

Inirapan ko lang si Xhaia.

"Ang tagal na niyang nanliligaw,'no,4 years na kaya!" Bulyaw ko rito.

She chuckled and shrugged. "Sabi mo,e,"

"Masaya kami para sa 'yong hellcat ka!" Dagdag pa nito.

"Happy for you kahit hindi halata 'cause you know.." She smiled but with something i couldn't name.

Yes,i know,Phoebe.

"But i am thankful na sinagot mo na si Vexuxe,medyo matatahimik na 'ko sa school." Natatawang aniya.

Palagi kasi siyang kinukulit ng lalaking iyon.

"Oo nga.Tapos baka mapagtino mo rin,"

Ang ibig sabahin niya siguro ay mapahinto si Xuxe sa pakikipag-away,last Monday lang ay nakipagsuntukan na naman siya sa labas ng school.

Buti at walang nagsumbong kaya hindi siya napa-office.Dinahilan niya pa sa akin na sinisisi raw si Phoebe na kaibigan namin sa pagka-ospital ng leader nilang si Halter.

"I'll try..but i know he's willing to change for me and for the better."

Kahapon lang kung kailan naganap ang 'first kiss' naming dalawa,sinagot ko na rin siya.

Sa loob ng apat na araw or shoul i say sa loob ng apat na taon..he really proves himself.Lalo na noong unang harap nila ni Daddy,he's including me to his plan for the future.

Tama na siguro ang apat na taong pagbubulag-bulagan,oras na para suklian ang pagmamahal na inilalaan niya sa akin.He deserves it,by the way.

He's finally and officially Nikee's best boy now.

Hindi ko akalain na sa ganito kami hahantong.Nakakapagod palang magsungit sa taong ipinapakita lang naman ang nararamdaman sa iyo.

Alam ko sa sarili kong mahal ko si Vexuxe.Mas lalo pa akong napapamahal sa kaniya dahil sa mga kahulog hulog na corny banats niya,oo,nakaka-fall.

Pati na rin sa nga pangako niya sa akin at sa future naming dalawa.

Linggo ngayon at lalabas kami ng pamilya ko,ngayon ko rin balak ipakilala si Xuxe bilang boyfriend ko sa kanila.Walang alam si Xuxe rito,surprise.

Ang alam niya lang ay magdi-dinner kami sa isang sikat na restaurant sa lugar namin,eksaktong oras sa estimate kong alis namin.

Kapag dumating kami roon,siguradong nasa resto na rin siya at inaantay ako.

Sinabi ko rin kasing huwag na akong sunduin,nagmaktol pa siya pero pumayag rin naman dahil binlackmail ko na hindi ako pupunta kapag nagpumilit pa siya.

Ang cute talaga ng isang iyon kapag umaasta siyang bata.Parang bata magmaktol,parang bata na gusto laging binababy,parang bata na ayaw humiwalay sa akin.

Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa ring ngumiti.Kinakabahan ako dahil baka magalit si Daddy though,alam niyang nililigawan ako nito matagal na.

From: Vexuxe boy🦋

Otw na ako.See you,darling,i love youuu!

Agad na lumawak anv ngiti ko kaya napatalikod ako kila Mommy na kaharap ko ngayon,nakakahiya.

And i already changed his name to my contacts,ayo'ko ng kahit anong endearment,ang cute kaya ng tawag sa kaniya ng nakararami.

Hindi na ako nakareply dahil sinenyasan na ako ni Daddy,aalis na raw.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon