| Chapter 17 |

0 0 0
                                    

Natapos ang gabing lahat kami ay nagdidiwang dahil sa pagkapanalo ko.Ako ang tinanghal na Ms.Intramurals,first runner up naman si Zin at second runner up naman si Hera.

Hindi ko talaga in-expect ang pagkapanalo ko.I meam,pinagdadasal ko rin na manalo ako pero hindi ko naman alam na maga-grant agad.

Dahil mag-aalas dies na rin natapos ang pageant,sa weekend na lang raw kami mag-celebrate dahil busy pa ang huwebes at biyernes ko.

Mukhang satisfied naman ang lahat sa pagkapanalo ko.Some of schoolmate greeted me at my facebook timeline,too.

Si Xuxe naman ay nagmamaktol pa kagabi dahil gusto pa raw akong makasama kaso ay gabi na kaya pinauwi ko na rin siya,masunurin naman iyon kaya umuwi agad.

"Congrats,darling ko.."

Matutuwa na sana ako kaso naalala ko pang-ilang beses na niya akong binati na ganiyan na ganiyan rin ang tono.Napairap na lang ako.

"Sirang plaka lang ang peg?"

Sumimangot na naman siya.

Kung noon ay naiinis ako dahil mukha siyang pato sa paningin ko tuwing gaganiyan siya,ngayon naman ay natatawa ako dahil ang cute niya pala.

Para pa ring pato pero iba,cute na pato na.Dugyot na pato kasi noon.

Narito kami sa likod ng bahay namin ngayon.Ang init kasi sa loob at dito maaliwalas dahil sariwa at malakas ang hangin na umiihip sa paligid.

Dahil mamaya pang-ten ang laro nila Xuxe,hindi pa kami.pumupuntang school.Alas-otso pa lang rin naman.Ewan ko rin kung bakit ang aga rito ni Vexuxe.

"Papakilala kita kila Mama.."

Natigilan ako sa biglang pagbanggit niya doon. "A-Ano?"

Kinabahan agad ako.

Never ko pa na-meet ang parents ni Xuxe kahit matagal na kaming magkakilala kaya naman hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon.

"Kapag handa ka na,"

Iniangat niya ang ulong nakahilig sa balikat ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Sabihin mo lang,hm?" Malambing na aniya.

Napatango na lang ako.

I don't know if i would be excited or what.Damn,i'm nervous! Kahit hindi pa naman ngayon,kahit pwede pa akong maghanda,kinakabahan pa rin ako!

Pakiramdam ko ay hindi ako bagay sa anak nila dahil..hindi naman ako kabaitan,hindi rin ako kagandahan,sakto lang ang nalalaman at hindi pa kasing ganda ng lahi nila!

Nakakahiya tuloy humarap sa kanila.

"Huwag mo munang isipin,huwag ka ring kabahan.They will like you as i do."

He held my hand and squeez it lightly.Agad namang gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko inaasahang magiging ganito akong kakomportable kay Xuxe.Parang noon lang ay ayaw kong lapitan niya ako samantalang ngayon ay kumakalma ako sa tabi niya.

9:15 na at papunta na kami sa school ngayon,talagang ready siya dahil dala na niya ang jersey at pamalit.

Nasa parking lot pa lang kami ay nginingitian na agad nila ako at binabati.Bago sa sistema ko ang ganito pero ngayon lang naman siguro 'to.

"Baka bebe ko 'yan!"

I winced at his statement. "Weh? Parang hindi,e."

Kailan pa niya ako naging bebe?

"Hindi pa." Taas baba pa ang kaniyang kilay habang nakangisi.

Dumiretso kami sa gym kung saan magaganap ang laro nila.Kalaban nila ang Krystal High ngayon.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon