Chapter Eleven

60 3 0
                                    

Song: Mahal Naman Kita- cover by Morisette Amon


Daisy's POV

'What the... Bakit ganito? Ayaw kumalma ng puso ko.. Sai, anong nangyayari sa iyo?'

Bigla akong kumawala nang pagkakayap sa kaniya nang mag ring ang phone ko, agad ko iyong sinagot, "excuse me," sabi ko at siyang labas ko ng room.

[RD

F, bilin ni Boss na sa susunod na araw na kayo umuwi.

H-Ha? B-Bakit?

Kailangan si Mang Jo sa isang transaksiyon. Walang susundo sa inyo.

Magcocommute na lang.

Alam mong hindi pwede, lalo't galing kayo sa delikadong transaksiyon.

D, kaya namin.

Makinig ka! Gusto mo atang mabartulina Barney?!

Sige.]

"Pucha! Paano ako haharap nito? Bakit ka kasi kinabahan Sai! Kumalma ka heart, kapag hindi ka umayos, dudukutin kita diyan, sige ka!" Bumuntong hininga ako pero hindi nakatulong. "Sai!!! Anong nangyayari sa iyo!!!" naiinis kong saway sa sarili ko.

"Ayos ka lang?" napapitlag ako nang magsalita siya sa likuran ko.

Peke akong ngumiti sa kaniya, "k-kanina k-ka pa diyan?" totoo ba Sai? Uutal yarn?

"Kakabukas ko lang, may problema ba?"

"Ah- kasi- ano- tumawag kasi si RD," anak ng pucha! Sai, ayos! "Sa susunod na araw na daw tayo masusundo," sabi ko.

"Ganoon ba?" hindi ko alam kung tama ako nang nakitang nangiti siya. "Pasok ka na, ginagawa mo pa diyan?" Saka niya binuksan ng malaki ang pinto at hinintay akong makapasok.

Pagkapasok ay agad kong kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa loob ng CR. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bakas pa ang pagkapula ng mukha ko. "Ano ba iyan Sai! Kaloka kang babaita ka!" kausap ko sa sarili ko. Tinagalan ko pa sa banyo hanggang sa natapos na ako maligo, magtoothbrush at mag skincare routine. Nag iisip na ako nang pwede pang gawin. O kung dito na lang kaya ako matulog?

Napakahusay ko talaga! Kakamadali, nakalimutan kong kunin ang mga damit ko sa labas. Ang galing mo talaga Sai!

Bago lumabas ay dumukwang muna ako at tinignan kung nasaan siya. Bakit ba ako tinubuan ng hiya? Buset!

"Anong ginagawa mo diyan?"

Tumingin lang ako sa kaniya at nagmadaling lumabas. Saka kinuha ang mga damit ko at madaling pumasok ulit ng banyo.

Pagkalabas ay nakahiga na siya sa hiwalay na kama namin. At madali naman akong pumunta sa kama ko. "Tulog na tayo," aya ko.

"Ok ka na?"

'Hindi pa! Letse ka kasi!'

"O-Oo naman, antok na ako," kunwari pang naghikab ako. "Kapagod ang araw na ito, pahinga na tayo, goodnight," saka ako humiga at nagtalukbong ng kumot.

"Sige lang, una ka na," at narinig kong binuksan niya ang TV.

"Hindi ka pa matutulog?" Dukwang kong tanong.

Nakita kong busy siya sa pag scroll ng channel, "nabago body clock ko dahil sa duty ko sa hospital, pero maya maya siguro aantukin na ako," paliwanag niya.

Saka naman ako umayos ng upo, "ayos bang maging nurse, J?" Kailangan kong tanggalin ang awkwardness sa sistema ko. Peste!

"Kung iyon ang gusto mo talaga, pero kung dahil lang sa ibang dahilan, mahirap," sagot niya.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Where stories live. Discover now