Chapter Forty One

78 4 4
                                    

Song: Please Forgive Me- Bryan Adams

Lines:

It still feels like our first night together
Feels like the first kiss
It's getting better baby
No one can better this
Still holding on
You're still the one
First time our eyes met
Same feeling I get
Only feels much stronger
I want to love you longer
Do you still turn the fire on?

Daisy's POV

"Tita Mommy, dahan dahan po, hindi ko po kayo masundan," hingal na saad ni Aya, ang anak na babae ni Chloe.

"Aya, madali lang naman saka mabagal nga ang turo ni Tita Mommy," sunod namang sabi ni Kaeley, ang kakambal niyang lalaki.

"Oh, bawal mag away. Nak, ikembot mo pa, ganito lang, 1,2,3 and 4 then turn, jump and raise your both hands, shut up and dance with me," mabagal kong turo at sinundan ni Aya.

Saka naman dumating si Chloe na may dalang inumin at snacks. "Tama na muna iyan, magmeryenda muna kayo."

"Okay, that's it for today my loves, baka pagalitan na ako ng nanay niyo," pinunasan ko muna ng pawis si Kaeley samantalang si Chloe naman ang nagpupunas kay Aya. Saka ibinigay ang pagkain nila.

Pagkatapos ay lumapit na ako sa tabi ni Chloe. "Hindi maitatatwang, anak mo iyang si Aya, ikaw na ikaw sumayaw eh," pinalo naman ako ni Chloe sabay mahinang mura. "Pero si Kaeley, malamang sa tatay niya nagmana, noh?"

Saka niya ako sinamaan ng tingin. "Tumigil ka na nga, mga anak, doon muna kayo kay Lolo niyo sa labas. Kasama niya si Tito Leone, sige na."

"Thank you po sa pagtuturo sa amin, Tita Mommy, bukas po ulit," saka ako hinalikan ni Aya at ganoon din ang sabi ni Kaeley na hinalikan din ako bago umalis.

"You are good at dancing, amazing!" bulalas ni Chloe saka pumalakpak pa.

"Buti nga hindi ko nakuha ang singing eh, kung hindi, baka madiscourage na si JLo sa akin."

"Gaga!" saka kami nagtawanang dalawa.

"Dito na lang ako, ampunin niyo na ako, tapos ako na lang mag aalaga sa mga anak mo," kumbinsi ko.

"Hindi ko kaya rate mo, bruha. Baka sahod ko pa lang sa iyo, mamulubi na ako."

"Not to mention the wealth you left to Drake. Kahit habang buhay kang hindi magtrabaho, kaya 'nung buhayin ang ilang anak pa, D!" inismiran naman niya ako. "Wala ka bang planong sabihin sa kaniya? Sobrang nahirapan siya nang mawala ka. And I'm hundred percent sure, he's still into you."

"I'm preparing everything para dyan, but I'm not closing the door for him. I need put things in the right places first before I introduce my kids to him. Soon.. It will happen, soon," saka niya ako nginitian. "And how about you, kumusta na kayo ni Ethan? May pag asa pa ba siya?"

Bigla akong natigil at naalala ang pag uusap namin ni Ethan kahapon.

"I will wait for you, Sai. Please.. Let's talk.. If you don't want me to chase you, then just promise me to go home, okay? Wala akong planong kunin ang bahay mo. Sa iyo lang iyon."

"Ethan, kunin mo na iyon-"

"No! Please.. I beg.. umuwi ka dito, pagkabalik niyo. Huwag ka masyadong lumapit kay Black. Kila Nanay Lourdes ka lagi dumikit. Please.. Masisiraan na ako ng bait kakaisip at kapag umalis ka na naman."

"Hindi ko kailangang umalis para masiraan ka dahil matagal ka ng ganun, Ethan! Huwag mo akong dinadahilan sa pagiging baliw mo! And yes, mag uusap tayo pagbalik ko. May mga kailangan akong ibilin sa iyo."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Where stories live. Discover now