Chapter Sixty Six

60 7 3
                                    

Song: Dito ka lang by Moira

Daisy's POV

"Kailangan ko ng bumalik, hinahanap na ako ng kambal. Mag-iingat ka dito ha." Bilin ni Chloe saka siya tumingin kay Maki sa tabi ko. "Iingatan mo ha, malapit na ang exam ko, kailangan ko tumutok muna doon."

"Huwag mo akong alalahanin. Maayos ako dito kasama sila. Eh sabi nila Leone, bakasyon na daw nila 'to kaya hinayaan kong magtagal sila dito sa resort." Hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi ka pa ba magpapakita kay Drake?"

Umiling siya. "Hindi pa panahon."

"Hindi mo ba namimiss? Lalo na makipags*x?" Saka ako tumawa at pinitik naman niya ang noo ko.

"Sira! Syempre namimiss lalo na iyon. Makakapaghintay pa ako at ang kipay ko." Saka niya kinurot ang ilong ko. "Ang dami mong alam, kala mo naman ikaw diyan, eh bakit ikaw? Hindi mo namimiss lalo na iyon?"

"Ayan na nga! Sagutin mo!" buyo ni Maks at kiiliti ako sa tagiliran ko.

"Jusmiyo marimar kayo! Ang laki laki na ng tyan ko! Para kayong tang@!"

"Kitam, hindi sinasagot," sundot pa ni Maks. "Ganyan 'yan!"

"Kapag ako sinasagot ko, ikaw exempted kasi buntis, hindi pwede iyon," si Chloe.

"Oo na oo na, miss na miss ko, lalo na iyong inaabot ng umaga, oh masaya na kayo?"

"Wowww! Grabe! Sa true ba?" tanong ni Maki at halata sa mukha ang pagkagulat. "Sabagay, noong nasa org, habol siya ng mga hookers eh." Natahimik ako. "Ooops, sorry."

"Itanong natin sa kapatid, diba doktora to be? Kumusta si Drake?"

Kumagat lang sa labi niya si Chloe at napailing. "Titiglan niyo ko, o ititigil ko ang buhay niyo." Saka nagbanta na may kukunin sa paanan.

"Oh my! I'm out, Sai!" saka mabilis na tumakbo si Maki.

Nagtawanan na lang kami ni Chloe sa inasta ni Maki saka siya bumalik sa pagkakaupo.

"Takot talaga sa iyo 'yun?"

Natawa lang siya at umayos ng upo at humarap sa akin. "Sai.."

Parang may pakiramdama ako sa sasabihin niya kaya napayuko ako.

"Makinig ka sa akin, alam ko, you have all the rights to listen or not to whatever explanation we have for you. But, please, don't make the same mistakes that I had with Drake. You must listen to Ethan, hear him out. Gag* iyon pero simula ng maging kayo ulit, nakita kong nagbago siya. Para sa iyo. Kahit para na lang sa baby niyo. I know how selfless you are when it comes to your kids. Hindi kami papayag na may makasakit ulit sa iyo. Pagbabayaran nilang lahat iyon, pangako."

Tumingin ako sa kaniya at tumango.

"S-Sige."

"Talaga?!" Saka ako tumango at niyakap niya ako pagkatapos. "Thank you, bestfriend. I want all the happiness for you. You deserve to be happy. Deserve mo ang masayang pamilya. Gusto ko sanang ako ang magsabi but it's not my story to tell. Mas maganda ng sa kaniya manggaling ang lahat."

Saka kami kumalas sa pagkakayakap. "Salamat."

Saka siya tumingin sa akin ng makahulugan. "I feel that s*x is coming."

"Huh?"

"I mean, the baby is coming." Saka ko kinuha ang kamay niya at pinilipit iyon ng marahan lang. Tumatawa naman ang g*ga!

"Akala mo porket buntis ako, hindi kita kaya, ha."

"Aray! Aray!"

"Ano iyon? Iba 'yung una kong narinig eh." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at lalo kong pinalipit ang kamay niya.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Where stories live. Discover now