Chapter Thirty Four

80 7 2
                                    

Song: Till My Heartaches End-Ella Mae Saison

Lines:
But then you left
Without even saying that you're leaving
I was hurt
And it really won't be easy to forget yesterday
And I prayed that you would stay
But then you're gone and Oh so far away

Ethan's POV

Pagkatapos ng performance nila ay agad akong tumayo at pumunta nang backstage at hinanap si Sai. Napatago ako sa may isang pader nang makitang inabangan siya ni Black na may dalang coat at sinuot iyon kay Sai. Napangiwi ako sa pagkakita sa kanila at nagngingit ang mga panga ko.

"Great job Sai! Ikaw na talaga, bangasan mo nga ako, magsosorry pa ako sa iyo pagkatapos," rinig kong pagbibiro ni Leone kay Sai habang inaayos niya ang mahabang coat nito at kinakabit ang mga butones.

"Sabi mo iyan ha, mamaya ka sa akin!" sabay nginusuan niya ito at nagtawanan na sila. "Ako na magkabit," pagtuloy niya sa ginagawa ni Leone. Pero agad ding kumuha ng pamunas si Leone at pinupunasan ang pawis niya.

"Are you ready for later's performance, babe?"

"Eeeww! Stop calling me like that, Black!" saka ito tumalikod "You knew, I was born ready. Halika na! Dami mong satsat, kapag mamaya may mali ka, bugbog ka sa akin," at nagsimula na silang maglakad sa gawi sa akin kaya tumalikod na ako.

"Yabang!" rinig kong sabi ni Black.

Palibhasa'y paroot parito ang mga tao kaya siguro hindi na nila na ako napansin, saka sila lumagpas na sa kinatatayuan ko. Pagkalagpas nila ay siyang labas ko sa dinaanan nila at nakita kong niyakap ni Leone si Sai gamit ang braso niya papunta sa leeg ni Sai pero agad din namang kumawala si Sai sa pagkakahawak niya at pinitik pa ni Sai ang noo ni Leone.

Ang haharot!

Anong ginagawa ni Black dito? May bigla namang lumapit kay Sai na may hawak na papel, siguro ay facilitator at hinila palabas si Sai. Sumunod na rin ako at saktong palabas nang may pumigil sa dibdib ko dahilan para mapatulak ako pabalik ng bahagya. Pagtingin ko ay si Black.

"Sinusundan mo siya?" tanong niya sa akin.

"S-Sino? Anong sinasabi mo?"

Tumingin lang si Black sa akin na mukhang nagtitimpi.

"Huwag na huwag ka nang makalapit sa kaniya, Ethan. Hindi na ako papayag na masaktan mo siya nang ganun."

"Ha? Talaga ba, Black? Sino kaya sa atin ang nanakit sa kaniya noon?"

Humawak naman ito sa baba niya at tumingin sa ibang direksyon, "pasalamat ka talaga, hanggang ngayon, kapakanan mo pa rin ang iniisip niya. Pero hindi na ako papayag na masaktan mo siya nang tulad noon, hindi na, Ethan, magkakamatayan tayo!"

"Wow! Ako talaga? Ako ang mananakit sa kaniya? Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

"Wala kang alam sa pinagdaaanan niya!"

"Wala nga, dahil pinaglihiman niyo ako! At ngayong alam ko na.."

"Ano? Babawiin mo? Iniwan mo na, kaya hindi mo na dapat balikan!"

"Bakit parang takot na takot kang makuha ko siya? Are threatened dahil ba alam mo na ako ang mahal niya?" saka ako lumapit ng husto sa kaniya.

"Hm!" alam kong nagtitimpi na siya at nakatikom na ang kamay niya. "Baka nakakalimutan mo, ako ang unang minahal. Nabaling lang sa iyo dahil sa nangyari, pero kayang kaya kong ibalik, Ethan. Kayang kaya ko! At patutunayan ko sa iyong kaya kong ibalik, huwag na huwag ka lang magkakamaling humarang dahil hindi kita sasantuhin, alam mo iyan!" saka niya ako tinulak.

Paglabas ko ay siyang kita ko na iniinterview na si Sai ng hosts sa stage.

"Thank you for my girls, who performed with me here tonight. You are all so great! You know I love each one of you and I really mean it! Hindi niyo natatanong, my students came from different places, and they have their own life and coming here with me and performed with me, means a lot of effort and time and that's what I really appreciate. Thank you, my dear AD family!"

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Where stories live. Discover now