Chapter Twenty

58 4 0
                                    

Song: Kung 'Di Rin Lang Ikaw- December Avenues feat. Moira

Fave Lines:

Bumibitaw dahil 'di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw?

Daisy's POV

"Babe, may masakit ba sa iyo? Gusto sana kita pakainin kaso bawal pa daw eh. Kapag pwede na, anong gusto mong kainin? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Black sa akin. Nahihiya akong humarap sa kaniya at kausapin siya. Gustung gusto ko nang sabihin sa kaniya pero hindi pwede.

Ilang sandali pa ay hindi ko na siya natiis pa at humarap at yumakap na ako sa kaniya ng umiiyak.

"I-I'm sorry.." Inalo naman niya ang likod ko at niyakap din ako.

"Ssshh! You are okay now, no need to say sorry," sagot niya habang humihikbi na akong umiiyak sa balikat niya.

"I've done a terrible things.. I'm a mess.."

"Babe, look at me," at pinaharap niya ako sa kaniya. "it's ok. Nasabi na sa akin ni Boss," nagtaka akong tumingin sa kaniya. "Isa na namang pamilyar na tao ang napatay mo sa transaysiyon niyo."

Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan na namang magsinungaling ni Boss? Bakit?!

"Hindi talaga natin maiiwasan ang bagay na iyon. Alam mo namang ginagawa natin ang trabaho natin para sa ikabubuti ng marami diba? Anomang masama mong nagawa, tanggap kita," dagdag niya na lalong kinaiyak ko.

"Pe-ro-"

"Stop! We need to move on babe.. Kahit ano pa iyan, sa akin ka lang kumapit, magkasama nating haharapin ang lahat," pahayag niya habang nakahawak sa baba ko.

"Pa-Paano kung tiwala mo ang nasira ko?" saka siya lumayo ng tingin sa akin. "Ano ang gagawin mo kung nasira ko iyon?" basag ang boses na tanong ko.

Tumuwid siya ng tayo at tumingin sa iba, "magagalit ako at baka lumayo ako sa iyo," bagay na kinapikit ko. "Pero hintayin mo lang ako at babalik ako sa iyo. Sinisiguro ko iyan sa iyo," dagdag niya at saka ngumiti sa akin.

Nagtuluy tuloy na ang bagsak ng mga luha ko, "you are too much for someone like me, Black.. I don't deserve you.." saka ako yumuko.

Inilang hakbang niya lang kami at nasa tabi ko na siya kaagad at niyakap na ako, "Hussshh.. ikaw lang.. tatandaan mo iyan.. Ikaw lang, ang nararapat sa akin.. Wala ng iba.." saka niya ako hinarap sa kaniya. "Konti na lang, mabibili ko na ang maliit na bahay na gusto ko para sa atin. Mapapakasalan na din kita, kaya kapit lang," paliwanag niya.

"Black-"

"Babe, dalawa lang tayo dito, babe, iyan ang itawag mo sa akin," pagtatampo niya.

Saka ko siya hinawakan sa mukha niya, "kapag.. kapag.. kapag nalubog na ako at hindi na makakapit sa iyo, magpatuloy ka ng sa iyo.. ha?" naluluha kong banggit.

"Huwag ka ngang-"

"Magpatuloy ka ng wala ako.. Ipangako mo sa akin, hahanapin mo ang makakapagpasaya sa iyo."

"Ano ka ba! Siyempre, itatayo kita.. At pakakapitin kitang pilit sa akin.." na ikinailing ko naman. "Hihintayin kita, kahit matagal.. Kahit mahirap.." sabi niya na puno ng determinasyon ang boses.

"You deserve the best thing in this world, and I am the worst."

"You are the best thing that ever happened to me babe.." matigas niyang tugon. "Dagdag na siyempre sila RD at ang bagong pamilya kong sila Nanay Lourdes at Emma. Sa susunod papakilala na kita sa kanila," nagtataka naman ako sa sinabi niya.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora