Chapter Fifty One

79 4 4
                                    

Song: Kung Wala Ka- cover by Dan Ombao

Ethan's POV

"Tang!na! First love! Anong laban ko sa first love!" Nagngingitngit ang mga panga kong sambit at inisang lagok ko ang isang baso ng alak.

"Tanga, true love ka! Sh!t ka! Umayos ka nga! Para kang batang nakuhanan ng laruan." Saway sa akin ni Kuya Drake saka ako binatukan. Umalis siya at may ibang kinausap. Naririnig ko pa ang pag uusap nila Sai at Dave sa gadgets na pinahiram sa akin ng organisasyon. Nagrereminisce ang loko at nagtatawanan pa sila.

"Distance, you, young woman!" utos ko. Mula sa kinauupuan ko, kitang kita ko ang mga galaw nila. Nakita ko namang sinunod ako ni Sai at bahagyang tumingin sa akin na parang humihingi ng tawad.

Hindi ko napigilan at tumayo na ako mula sa table na kinauupuan ko. Tatlong bruskong lalaki ang agad na humarang sa unahan ko.

"Attorney," mahinang tawag ko sa receiver ng gadgets. "Natutuwa ka dito, diba? Let me start your fuck*ng fun here." Narinig ko ang malakas na pagtawa ng hinayupak na manananggol ng bayan!

"Let him pass," utos ng hayup. Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Kuya Drake sa balikat ko at binulungan ako ng 'behave'.

"Hindi ka masaya kabonding, Drake!" Sagot pa ni Attorney.

Tinawag ni Kuya ang ilan niyang kausap at pumaikot kami sa gawi nila Sai.

Bago pa ako magsalita kila Sai ay inunahan na ako ni Kuya.

"Hello guys. I'm Drake Arellano, you are?" baling niya sa kausap ni Sai.

"Dave, pare, Engineer David Acuesta." Saka sila nagkamay ni Kuya Drake. "And the beautiful girl here is Daisy, Daisyree Enocena, Bank Manager." Nagkamay din ang dalawa.

Gago, magbayaw iyan. Malamang magkakilala na iyan. Grrr!

"Doctor, pare, Doctor Ethan Arellano." Nakipagkamay ako at nakita ko ang pagngiwi niya ng diinan ko iyon.

Bumulong naman ako kay Kuya, "pati sa alphabetically arrange ng surname, una siya ampota!"

Umiling iling na lang siya at tinignan naman ako ng masama ni Sai. Nagkibit-balikat na lang ako at sinamaan din siya ng tingin.

Nagpakilala din isa isa ang ibang kasama niya at ganun rin ako. Imbis na makipagkamay ay nagbeso ako kay Sai at bumulong sa kaniya. "Mamaya ka sa akin. First love, huh." Napakagat labi siya at pinamulahan ng mukha.

"Diba Sai, gusto mo ng engineer na mapapangasawa? Iyon ang pangarap mo noon, naalala mo?"

Nangiti naman si Sai ng pilit. Of course, she is not allowed to say stupid things. But not me.

"The preferences of people change from time to time, Engineer. Mas bagay ata ang Bank Manager sa Doktor. Right, Miss Enocena?" Sumagot siya ng makahulugang ngiti.

"Please, excuse us." Hanggang hinila na siya ni Dave sa ibang tao at doon pinakilala.

Hindi naman nabigo ang goal nila ng gabing iyon. Nakuha nila ang impormasyong kailangan nila lalo na ang lahat ng contacts na nasa phone ni Dave. Pati na rin ang loop ng text messages at email nito. Kung dating mayor lang ang tiyuhin nito, ngayon ay senador na. At iyon ang kailangan nilang bantayan ngayon dahil sa hinalang ito ang tumutulong sa mga teroristang grupo sa Quezon.

"Care to share?" sambit ko pagkauwi ni Sai sa bahay. Kasalukuyan akong umiinom ng kape pagkatapos maihatid ni Kuya pag uwi at siniguro naman nilang makakauwi si Sai ng ligtas.

Bumuntong-hininga si Sai at pinikit ang mga mata. Tamad na tinanggal ang mga sapatos niya atsaka lumapit sa akin. Yumakap siya sa likod ko at pinaharap ako.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora