Chapter Forty Four

87 6 0
                                    

Song: Forevermore-Jed Madela

Lines:

If I could turn back time
I would have never let you go
And you would still be mine
But here I am crying all alone
All of loved we shared
All of the time you are there

I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday we might just find a way
And we can love forevermore

Daisy's POV

Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya. "Huh? Nasinghot mo ba lahat ng alcohol sa loob? Anong pinagsasabi mo diyan, Ethan! Pambihira ka!"

"H-Hindi.. Pfft! Grabe ka sa akin, ano nga? Sagutin mo na lang kasi."

"Sabi naman sa iyo eh, huwag mong hinihithit iyong betadine sa loob. Nahihibang ka na!" Lumakad na ako palayo sa kaniya. "Pambihira ka talaga! Huwag mo akong ginugulat, baka dalawa na kami ng Lola ang mahiga sa ICU!" Patuloy kong sinasabi habang naglalakad. "Nanghingi lang ng update kay Lola, nagropose na ang gago!"

"Sai.." sunod niya at saka humarap muli sa akin.

"Pwede ba? Unang una, hindi pa kita sinasagot. Kaya, technically, wala pa tayong 'tayo', okay?"

"Inadvance ko na nga eh, pwede naman nating baguhin ang process.." Nakita kong pinamulahan siya ng mukha.

"May singsing ka?" inilahad ko ang kamay ko.

"Huh? W-Wala pa.."

"Kitam! Malamang, naiinggit ka lang sa iba, ano? Napressure ka kasi may ikakasal na kilala mo?" Singhal ko sa kaniya. "Tigilan mo nga ako, Doctor Arellano! Papasok ako kay Lola, mukhang kung anu ano ang napag usapan ninyo at nagkakaganyan ka."

"She's sleeping.. She's stable now, no need to worry too much.. I will take care of her, I promise. Plus, may dalawa nang nagbabantay sa kaniya sa loob. Get rest.." at hinawakan niya ang pisngi ko at saka tinignan sila Not, "pati ang mga anak natin, pagpahingahin mo na, ako nang bahala dito. I will keep you updated, promise. Sige na, bilin niya din iyon sa akin, pagkalabas ko, na sabihan kayong magpahinga na rin. Lola is a fighter, baka nakakalimutan mo, babatukan ka 'nun."

"Ayoko.. Hindi ko iiwan ang Lola.."

Itinaas niya naman ang dalawang kamay niya sa pagsuko.

"Okay.. Doon na lang kayo sa office ko, may tulugan ako doon, sariling banyo, lahat. Sige na, baka bukas, ipalipat ko na ng private room ang Lola. Halika na," saka niya ako inakbayan at pumunta kila Not na pare pareho nang natutulog ng nakangangang tulo laway. "Notnot, Baby, Jeff, gising na, doon na kayo sa office ko, halina kayo," tapik niya sa mga bata at gumising naman sila.

"Kumusta na po ang Lola, Daddy Ethan?"

"She's good, stable na siya, halina kayo."

At doon na nga kami dinala ni Ethan sa opisina niya. Maayos iyon at malinis, puno rin ng mga libro at mga posters na tungkol sa medisina.

Hinatid niya lang kami at umalis na siya.

"Mommy Sai, masaya kami at maayos na kayo ni Daddy, sana Mommy tuloy tuloy na po. Kasabay ng paggaling ng Lola," nakangiting bati sa akin ni Baby Yo.

"Ikaw talaga," saka ko siya niyakap ng mahigpit. "Salamat sa inyo, mga anak, napapagaan ninyo ang pakiramdam ng Lola at ng Mommy niyo." Nilahad ko na ang dalawang kamay ko para hatakin sila sa group hug.

"Kaya natin ito, Mommy. Alam kong lalaban pa ang Lola sa sakit niya," papaiyak na sambit ni Not. Sa aming lahat, siya ang dikit lagi ng Lola. Sobrang maka Lola.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant