Justine, ang green mo!

148 3 1
                                    

DEREK'S POV

Pinaandar ko na ang sasakyan. Ba't ba kasi ako pinapunta pa dun ni Tysle. Di ko naman matanggihan kasi suportadong-suportado ako nun ni Tysle kay Via. Tsk.

Sabi naman ni Sir Jay kapag magkita-kita nalang kami mag-uusap tungkol sa gagawin namin. Di ko alam kung tungkol saan yun pero sgurado ako may kinalaman yun sa SPO, mga SPO members lang ang kinontak niya eh. Eto namang si Tysle excited. 

Si Yumi kaya yun? Ba't parang di ako pinansin? Tumakbo lang papasok ng studio nila Tysle tapos lumapit kina Via at sa lalakeng yun. Nung una, parang nagtaka ako kung baket Dad ang tawag ni Yumi sa lalakeng yun. Alangan naman anak nila yun. 

Boyfriend ba yun ni Anna? 

Bumaba na pala standards niya ngayon ha. Lol

I smirk at that thought. 

Oo na, alam ko na. Andami kong utang na kwento sa inyo. Saan ko ba sisimulan? 

Umalis ako dito dahil sa training program ko. Nagkataon lang na nasaktan talaga ako nung nakipaghiwalay saken si Anna. Nasaktan ako dahil mas naniwala siya sa ibang tao kesa saken. Hindi niya ako pinagkatiwalaan na di ko magagawa yung nangyari samen sa bar. Tao lang ako, nasasaktan din. Minsan kasi, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kapag alam mong unti-unti ka na niyang binibitawan, wala ka nang magawa kundi bumitaw nalang din. It was not giving up. Nasaktan lang ako. 

Hindi ako nakabalik kaagad kasi di ko alam kung kaya ko ng harapin si Via. Ang plano lang naman talaga, one year lang. Pero naisip ko, siguro, di ko pa kayang makita si Via, it was a very painful breakup. Nagkataon naman na may nag-offer din ang school ko sa California ng Culinary, I grabbed it for 2 years. Nung malaman kong namatay si Kyle, gusto kong bumalik dito kaagad para damayan si Via pero naisip ko, baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Ayoko na munang magkagulo kaya I waited for three long years for me to finally get back here. Taon-taon bumabalik ako dito pero dalawa hanggang tatlong araw lang. 

God knows kung pano ko pinigilan ang sarili ko para di na bumalik dito, pero eto andito ako ngayon. Di ko alam kung ba't bumalik ako. I don't know, I honestly don't know. Siguro, kung meron mang malinaw saken ngayon, that is to settle things between me and Via. I'm not closing any doors pero siguro may tamang dahilan din siguro.  

Nung tumawag saken si Justine tungkol sa kasal niya, una kong inisip si Via. Ano ba ang gagawin ko? Oo, hindi lang babae ang may ganong feeling. Ang alam ko, magiging awkward para samen pero the moment I saw her again, smiling, God I was driven back three years ago. Di pa rin siya nagbabago. Makulit, maingay, taklesa, bubbly. Same old Via. I don't know but I was smiling when I was driving home. :)

But Via's doing good now. At ayoko ng guluhin pa siya. Siguro ito nga ang tama, ang bumalik ako para once and for all, para maging ayos na kami ni Via bilang magkaibigan.  

RINGING. 

RINGING.

Kinuha ko na ang cellphone ko. 

"Alex?" - Derek 

"Where are you?" - Alexie 

"On my way. Sorry, sorry. May dinaanan lang ako." - Derek

"Okay. I'll wait for you here. Take care." - Alexie 

"Yeah. See you." - Derek

*

It's 3 days ago since that scenario happened. Jusko! Buti nalang talaga sumama kanina si Yumi kay Cornelio kundi naloka na talaga ako sa batang yun! Nasa coffee shop ako ngayon mag-isa. Hihintayin ko nalang mag-7PM at didiretso na ako sa CCTO para sa new batch of hired trainees. Yep, new batch. Every after 1 month, may papasok kasi na bagong mga trainees, yung mga students ko dati, Call Center Agents na! Excited to see another batch of students!

Happily Ever After is so Once Upon a Time IIWhere stories live. Discover now