Thursday evening. May schedule akong interview to an alumna of our unirvesity. At si Derek ang photographer ko for the documentation. Hoooh! Hinga, Anna Via. Hinga!
You have to do this, Anna. You have to.
Nasa parking lot kasi ako ng isang hotel. Dito kami magkikita ni Derek para sabay na kaming pumunta sa bahay ng i-interview ko. Ang alam ko kasi papunta na siya dito kaya dito ko na siya sa loob ng sasakyan hihintayin. No, this is nothing Anna Via. Gagawin niyo lang yung magazine then tapos na. Okay?
Pagkatapos ng ilang minuto ay may biglang pumarada sa tabi ng sasakyan ko. Now, this is Derek. GHK 768 eh. Naghintay lang ako sa loob ng sasakyan hanggang sa bumaba siya. Naglakad na siya papunta sa sasakyan ko. Okay, lalabas na ako. Hooo!
Pagkabukas ko ng pinto ay saktong nasa harap ko naman na si Derek. Pakshet! Ang gwapo talaga ni Derek. Leche! Nakakailang, seryoso. Tsk. Ba't ba kasi hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako! Putragis!
"Via." - Derek
"Oh? Ano? Tara na?" - Anna
"Sandali." - Derek
He was looking at me intently. Di ko alam kung ano na naman to, there's something in it. Yung parang nakakaawa siya. Ewan! Tsk.
"I'm sorry." - Derek
Sorry? Is he saying sorry for everything that happened samen dati?
"Uhhh, sorry saan?" - Anna
"Dito. I know, ayaw mo dito sa ginagawa natin pero pinilit ka ng grupo." - Derek
"Gagi! It was my choice, Derek. No need to say sorry for it." - Anna
"I know it will be hard. I mean, for both of us." - Derek
BOTH OF US. US! US! Oh no!
"I hope we could still work together kahit ganon yung nangyari saten dati. I think, we just need to be professional." - Derek
Uhhh. Professional? Wow. As in wow. I was doing it the whole time since you went back, Dude! Gusto kong sabihin yun sa kanya pero nablanko ang isip ko bigla. Di ako makapagsalita. I was just looking at him.
Ano ba ang sasabihin ko? He's serious and I can see it in his eyes. Is this a closure for us? I bit my lowerlip. This is the first serious conversation we ever had since he went back from California. Nakakapanibago na lahat, siyempre. I am not used anymore na kausapin siya tungkol sa mga seryosong bagay, cus' it was 3 years ago. 3 years, Derek. 3 years.
"Via, I'm sorry kung bumalik ako but I promise, hindi ako bumalik para guluhin ka. I can see you now, you have a good life. At ayoko ng sirain yun. Sana kung ano man ang nangyari noon, kalimutan na natin and just start a new beginning." - Derek
Wait. Di ko maprocess sa isip ko ang nangyayari ngayon. Kanina lang nakaupo ako sa loob ng sasakyan tapos ngayon may kung ano-ano na tong pinagsasabi si Derek. Wait, give me a second to think what's really happening.
Nakatingin lang ako sa kanya. For around 15 seconds, naintindihan ko din ang ibig niyang sabihin. So this is it. It's a closure. Hindi na siya manggugulo. It's like two different strangers. Two different lives. This time, parang sumikip ang dibdib ko. Pakshet! Ang tagal ko ng di nararamdaman to ah. Same hurt, same guy.
Nakasandal ako sa sasakyan ko, habang siya naman nakatayo sa harap ko. Haaay. Okay, okay. So ngayon, nandito ka ngayon sa harap ko to tell me that everything's going to be okay? Fine. Okay. I can handle that. Naglighten up na ang mukha ko.
"Friends?" - Derek
Inilabas na niya ang kamay niya sa bulsa niya.
Puta ha! Tangina lang, friends? Sakit pala pakinggan nun ha. Infairness, tagos! Gusto kong maiyak nun pero pinigilan ko ang luha ko. Shet! Ba't ba affected pa rin ako?! How many times do I have to tell myself na okay na siya! Friends? Friends? Hinga, Anna Via. Kaya mo yan. Kinaya mo na dati, kayanin mo ngayon.

YOU ARE READING
Happily Ever After is so Once Upon a Time II
Teen FictionTEAM JACK is BACK! Kyle is alive! :D