The Deal

151 3 2
                                    

DEREK'S POV 

"Babawi yun, Derek. Sus, si Anna pa!" - Cornelio 

"Why? Missing her? Hahahahaha." - Tysle 

Di ko na sinagot si Tysle at Cornelio. Di ko alam kung bakit big deal sa kanila na wala si Anna sa birthday ko. Siyempre, oo kasi siya lang yung wala sa Magazine Team namin pero bakit kailangang ulit-ulitin? 

Haaaay. Mag-aalas kwatro na ng madaling-araw. Nauna ng umuwi sina TJ kaya kaming tatlo nalang ang naiwan. 

"Oh, sige. Happy Birthday again, Derek." - Tysle 

Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ni Tysle at pumasok na siya. Medyo lasing na din tong si Tysle, kanina pa ako kinukulit tungkol kay Anna. Eh, sino ba naman di magtatampo? Birthday na birthday ko, wala siya. Nasaan? Kasama si Skyler. 

"Yeah. Ingat Tysle." - Derek

"Of course, I will! Ikakasal pa ako ano!" - Tysle 

"I know, that's why I'm telling you to take care." - Derek 

"Yeah Dude. Just like how I tell you to be a man. Okay? Be a man!" - Tysle 

Isinara ko na ang pinto ng sasakyan ni Tysle. Panigurado, kung papatulan ko pa ang mga sinasabi ni Tysle, aabutan kami ng umaga sa pag-uusap. Nginitian ko na si Tysle pagkatapos ay sakto namang dinaanan kami ng sasakyan ni Cornelio. 

"Una na ko, Derek. Happy Birthday." - Cornelio 

"Oo, sige." - Derek 

Nag-convoy na sina Tysle at Cornelio sa daan. Haay. Kung magbibirthday ka nga naman, ikaw pa tong' huling makakauwi, ikaw pa ang iniwan. Kinuha ko na ang susi ko sa bulsa ko pagkatapos ay inunlock ang kotse ko. 

Papasok na sana ako ng may nakita akong sasakyan na nagpark sa harapan ng Kyles. Kotse ni Skyler. Di nagtagal ay bumaba si Anna doon at lumapit saken. Sandali nga, alas-kwatro na ah?! May meeting hanggang ganitong oras?

"Hey, nakauwi na sila?" - Anna 

Tumango lang ako. Pumasok na ako kaagad sa kotse ko. Hindi ako galit, di rin ako nagtatampo. Inaantok lang ako. 

"Uuwi ka na din?" - Anna 

Napatingin na ulit ako sa labas. Di ka pa rin nagbabago, Anna. Still stating what is actually obvious.  Nakangiti pa siya habang nakatayo sa labas ng kotse ko. 

"Come on, Derek. I'm sorry na okay?! Galit ka ba saken?" - Anna 

Di ko na siya pinansin at pinaandar ang ignition ng sasakyan ko. 

"Atleast nandito ako kanina diba?! Nabati pa rin naman kita." - Anna 

Di pa rin ako sumasagot. Nakatingin na ako sa salamin ng sasakyan ko. Di nga ako galit at di rin ako nagtatampo. Ang kulit mo, Via ha!

"If you're not going to stop the ignition, bubutasin ko yang gulong ng sasakyan mo!" - Anna 

Huh?! Napatingin na ulit ako sa kanya. Ayan na namang amazona look ni Via. Wow, for years, di ko na nakikita yan ah. Ayos to! Hahahahaha 

"I'll be counting 1 to 5, Derek." - Anna 

"Then count." - Derek 

"Ichi.... ni...." - Anna 

"Ano na naman yan?!" - Derek 

"I'm counting the Japanese way. Kapag Japanese, mabilis magsalita diba? San yon go...your time is up, Derek." - Anna 

"Bahala ka jan. Mahal to kaya di mo mababayaran kahit gulong nito." - Derek 

Binuksan na ni Via ang pinto ng kotse ko. 

Happily Ever After is so Once Upon a Time IIWhere stories live. Discover now