TJ, please?

161 3 1
                                    

"Where are you?" - Anna 

"Baket ba?" - TJ 

"My car's dumped." - Anna 

Sira na naman! Sorry lang naman po. Si TJ nalang talaga ang choice ko. Hindi naman kasi ako masusundo ni Cornelio kasi may trabaho pa yun, sigurado ako. Nakakahiya naman kay Justine at Krizzy kung magpasundo ako. Si Tysle? Asa! Tulog na yun! 

"Diyan ka nalang kaya matulog? Sakit ka sa ulo eh." - TJ 

"Eh! TJ naman eh. Sige na, please? Kahit sa studio nalang ako matulog! Dun mo nalang ako ihatid." - Anna 

"Anna, antok na ako. Tsk. Sa CCTO ka na lang." - TJ 

"Please,TJ please?" - Anna  

Alam nang ayoko dito sa CCTO eh. Urgh. 

"Anna.." - TJ 

"Please?!" - Anna

"Sige sige. Kainis to oh! 3 AM ka pa naman lalabas diba?" - TJ 

"Yes! Thank you, thank you TJ!" - Anna 

"Errr. Sige na, bye." - TJ 

Nasa CCTO ako ngayon. Nagbreak muna kami ng mga students ko from our class. Chilling with Chokolato Chill and some cookies while infront of my computer screen, with my powerpoint presentation para sa next module namin. Buti nalang talaga, gising pa si TJ. Hihi. 

Haay. 2AM palang ng umaga. Ano ba naman to. 1 more hour to go. Nagtitingin na muna ako sa blogsite ko, mga photoshoot lang namin yun namin nina TJ and Tysle. Habang nag-eenjoy ako kakatingin sa mga wacky photos namin at pa-cute effect namin ni Tysle, ay bigla kong naalala si Kyle kay TJ. I miss the gang, I miss Kyle and Justine. 

Every now and then, sa mga ganitong pagkakataon ko naaalala si Kyle. kung di kaya siya namatay, nakauwi na kaya siya dito? O di kaya may restaurant na kaya siya? :( 

RINGING 

RINGING

RINGING

Kinuha ko na ang cellphone ko sa side table. It's Tysle. Wow. So gising pa pala tong' babaeng to? Haaay. Ano na naman, Tysle? Errr. Sinagot ko na ang cellphone ko. 

"Anna!" - Tysle 

Kahit kailan talaga hyper tong si Tysle. 

"Hi." - Anna 

"Where are you?" - Tysle 

"CCTO. Baket?" - Anna 

"Ah. Wala lang! I just miss you!" - Tysle 

"Whatever Tysle! Doesn't look good on you bitch!" - Anna 

"Hahahaha. Sige na, I'm off to sleep." - Tysle 

"Matutulog ka pa lang?" - Anna 

"Yup. Talked to someone." - Tysle 

"Kester?" - Anna 

"No. Tulog na yun ngayon ano." - Tysle 

"Ah. Okay. Sige, sige. Goodnight." - Anna 

"Yeah, okay! Goodnight." - Tysle 

Psh. Yun lang pala. Err. Binaba ko na ang cellphone ko. Di ko alam kung ka-sweetan ni Tysle yun. Minsan kasi, nakakainis. Out of nowhere, biglang sweet. Feeling mo kay hidden agenda kaagad. After 20 minutes ay nagsimula ng magsibalikan ang mga students ko.

"Grabe! Ang gwapo talaga niya." - Student 1 

"First time ko palang nakita yun dito sa CCTO ah." - Student 

"Basta, he's really cute!" - Student 1 

Napatingin na ako sa student na iyon. She's with two other girls. Napansin siguro nilang napatingin ako sa kanila. 

"Ah, Miss Anna. Sorry." Student 1  

Aba, kinikilig. May nakita na naman atang ulam dito sa CCTO 'tong mga to. Baka may bago namang hot CCTO Trainer. So far kasi, isa lang naman ang kinakakikiligan ng mga trainees dito sa CCTO. Si Sir Mikko. I also call him Sir kasi 5 years ahead siya. 

"It's okay. Come on, we'll start our class now." - Anna 

"Yes, Miss." - Student 1 

Dumiretso na sila sa kanilang mga upuan. Ako naman, binalik ko na ang powerpoint presentationko. Tama na muna ang drama kay Kyle, baka mamaya multuhin ako nun. Haaay, okay back to work Anna! Focus! 

Habang nakaupo ako ay nagsalita na ako. 

"Okay. Since this will be our last week, we'll have.." - Anna 

"Excuse me, Miss." 

Napatingin na ako sa mga students ko dahil nakaharang sa harap ko ang monitor ng computer. Pero napansin ko namang tinukoy kaagad ng mga students ko ang glass door ng Conference Room.

Napalingon na ako. 

"Hi Miss Anna." 

Oh, si Sir Mikko. Anong meron?! 

Biglang nag-'uyyyyy' look ang mga students ko. Heh! Tumayo na ako and I just ignored them! Oo, gwapo nga si Sir Mikko pero not my type. Hahaha Lol.

"Hi, Sir Mikko!" - Anna 

Lumapit na ako sa glass door at binuksan na iyon ng maluwang para makalabas ako. He just smiled. 

"Oh, baket po Sir?" - Anna 

"Someone's looking for you sa lobby." - Sir Mikko 

Huh? Sinong pupunta dito ng alas-dos ng madaling araw? Tanga talaga tong si TJ, alam naman niyang 3 AM ang labas ng class ko ah. Errr!

"Ah, okay po." - Anna 

Papasok na sana ako ulit sa loob ng conference room para magpaalam sa students ko ng biglang magsalita ulit si Sir Mikko. 

"Gwapo ah. Boyfriend mo?" - Sir Mikko 

I wanna roll my eyes kaso kaharap ko pa si Sir Mikko. Kauri nga ata talaga to ni Cornelio. Errr. 

Boyfriend? Si TJ? Lahat ba ng mga lalakeng malapit saken, boyfriend kaagad? Kung si TJ naman lang, cut wrist nalang. 

"Weh? Talaga Sir Mikko? Mas gwapo kesa sa iyo?" - Anna 

"Ah, hindi naman. Hahahaha." - Sir Mikko 

Hahahaha. Natawa na ako dun. Baliw lang eh. TJ talaga! Kainis! 

"Sige Sir. Thank you." - Anna 

I just smiled at nagpaalam na din sa mga students ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng Conference Room at tumakbo sa hallway. Sayang ang oras para sa mga CCTO Trainees eh. I'll just tell TJ na hintayin ako sa lobby. Tanga kasi, 30 minutes more bago pa ako mag-dismiss. Saktong pagliko ko papuntang lobby ay nakita ko kaagad si TJ. 

"TJ!" - Anna 

Tumakbo na ako palapit sa kanya pero bigla siyang humarap. 

OH NO. 

OH NO. 

NO. 

Happily Ever After is so Once Upon a Time IIWhere stories live. Discover now