Bad Timing, Cornelio

18 1 2
                                    

Binuksan ko na ang drawer ko sa loob ng kwarto. Mag-aalas singko na pero di ko pa rin mahanap yung iba pang mga magazines. Pano kasi nagkalat yun dito sa condo. Pero,I'm sure naman na meron akong copies ng mga yun. I still need the December issue na ginawa namin nung huling taon na namin sa SPO. Ugh. Inisa-isa ko ng tingnan ang mga gamit na nakalagay sa drawer. Tsk Wala talaga. Saan ko ba kasi nilagay yun?!

"Ano? Wala pa ba?" - Derek

Nasa sala ng condo ko si Derek. Hinahanap na din niya sa mga ilang built in cabinet yung mga magazines. Siguro kanina pa siya sa baba ng condo ko kasi pagdating ko, nakapag-snack na siya sa katabing restaurant ng condo ko. Ugh Naligo pa kasi ako sa condo ni Cornelio and I borrowed a shirt from him. Tama nga si Derek, one hour yung 30 minutes ko. He still knows me.

"Wala pa din eh." - Anna

Tsk. Saan ko ba nilagay yung mga yun? Leche. Tumayo na ako at tiningnan ko na ang boung kwarto. Where did I put it? Argh. Basta sigurado ako may mga copies ako ng mga magazines eh. Kumpleto ko yung boung issue nung nasa SPO pa ko. Tsk. Isip.. isip..

Saktong pagtingin ko sa taas ng drawer ay may nakita akong ilang kahon. Okay, di ko alam kung ano yung mga laman nito pero probably mga files ko lang to sa CCTO pero I'm not sure. Bahala na. Kailangan kong hanapin yung issue na yun. Tsk Kinuha ko na ang dalawang malalaking boxes at pagkatapos ay nilagay ko na sa ibabaw ng kama. Naupo na din ako kasi kanina pa ako nakatayo, leche.

Pagkabukas ko ng isang malaking kahon ay napatitig ako sa mga nakalagay sa loob nun. Sht! Memories. Lol Yun pala kasi yung isa sa mga boxes na pinaglagyan ko ng mga gamit namin ni Derek nung nagbreak kami. Ugh Nasa ibabaw pa nung box na yun yung Jersey shirt ni Derek dati. Saktong kukunin ko na sana yung Jersey ay biglang pumasok sa loob ng kwarto si Derek.

"Uy, akin yan diba?" - Derek

OMYHOLLYMOLLY! Ibabalik ko na sana ulit sa kahon but it's too late. Kinuha na ni Derek ang jersey niya saken.

"Akin na nga yan! Ibalik mo na dito yan." - Anna

"Eh, akin to eh. Saan mo to nakita?" - Derek

Di na ako sumagot. Leche talaga! Magazine ang hinahanap namin pero eto yung nahanap ko. Ugh Napatingin na si Derek sa loob ng kahon. Leche, parang batang nakakita ng mga laruan si Derek at isa-isa ng kinuha yung mga nakalagay sa box.

"Nasayo pa pala to?" - Derek

Yun yung couple shoes naming dalawa nung bumili kami ng Bornrich nung birthday ni Conrelio nung college. Sht! Awkward. Ba't ba tuwang-tuwa pa tong lalakeng to?!

Nakatingin lang ako sa kanya habang tinitingnan niya yung iba pang nakalagay sa box. Para talagang bata oh.

"Tinago mo pala yung mga to?" - Derek

Ugh. Tumayo na ako at lumapit sa isa pang box. Ayoko siyang sagutin. Nakakainis na parang nagugulat siya na tinago ko yung mga yan. Isa pa, its awkward. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Ugh

"Naalala mo to?" - Derek

Napalingon na ko kay Derek. Hawak-hawak niya yung isang hello kitty spoon. Ugh Yan yung ginamit niya nung kumain kami ng ice cream sa Korea. Eh sa ayaw niya ng pink na hello kitty na spoon tas ayun, ni-lick nalang niya yung ice cream sa loob nung container. Leche, kadiri. Di na ulit ako sumagot. Good Lord, please. Sana mahanap na namin yung magazine ng magtigil na si Derek.

"And this." - Derek

The Beats headphone.

"Magaling ka talagang mag-ninja moves. Sa California ko nalang nalaman na pinagpalit mo pala yung mga to." - Derek

Happily Ever After is so Once Upon a Time IIWhere stories live. Discover now