Poems and Ice Cream

94 1 0
                                    

DEREK'S POV 

"I really have to go, Derek. Just tell Anna na mauuna na akong umuwi sa kanya. Nagkaproblema si TJ sa studio eh." - Tysle 

Nasa labas kami ngayon ng Girls Room. Papasok na sana ako sa loob para tapusin ang magazine ng biglang lumabas si Tysle with her bags. We still have one more week here. Baket aalis na siya dito? 

"Colee knows everything, ask her kung may kailangan kayo. Si Anna, ihulog niyo na yan sa bangin. Kanina pa di nagigising. Umaga na ng pumasok sa room eh." - Tysle 

Huh? Inumaga si Via? Saan naman kaya yun galing? Napakamot na ako sa ulo.Samantalang, mabilis ng naglakad na sa hallway si Tysle. 

"Sandali Ty. Samahan na kita sa baba." - Derek 

"No, I'm okay." - Tysle 

She jsut smiled and waved goodbye. Mag-aala una na kami pumasok sa room namin kagabi. Napansin ko nga na wala si Via pero sabi naman ni Carlos na may pinuntahan lang so I didn't bother to call her. Pasaway talaga tong si Via ah. Tsk. 

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at naabutan si Carlos na nakaharap na sa laptop niya. Si Colee naman ay nasa veranda ng hotel at may kausap sa telepono. Just as I was about to sit beside Carlos ay nakita ko si Via na natutulog pa rin sa kama. 

"Anong nangyari jan?" - Derek 

"Lasing yan. Inumaga daw eh." - Carlos 

Nakaharap lang si Carlos sa laptop niya. So, may hangover ang amazona. Hahahaha. Lumapit na ako sa kanya habang natutulog sa kama. Inamoy ko na ang bibig niya to check. Anong trip ng babaeng to?! Mag-lasing? Buti sana kung may kasama. 

Hinawakan ko na ang braso niya at pinisil-pisil yun. 

"Via." - Derek 

Di pa rin nagigising. Alas dose na ng tanghali oh. Tsk 

"Via." - Derek 

Di pa rin gumagalaw si Via. Kinuha niya lang ang unan na nasa tabi niya at nilagay sa mukha niya. 

"Bahala ka kung ayaw mong kumilos jan." - Derek 

Tumayo na ako at dumiretso na sa laptop ko at tinapos na ang magazine. 

*   

ANNA'S POV 

Blink, blink. I see blury visions. Tiningnan ko ang wall clock at napansing mag-aalas dos na ng hapon. Memory process: Uminom ako kagabi, nagkita kami ni Katrine, I drink some more, went to our room at 4AM then slept. Then, I felt Derek's hands. Ginising niya ba ako o nanaginip lang ako? 

Pinakiramdaman ko ang boung kwarto. I can sense na walang tao ngayon dito. Baka naman naglunch na sila? Tiningnan ko na ang boung kwarto. Tatayo na sana ako ng mapansin kong nakahiga si Derek sa isang couch ng kwarto. Ugh, wait. Dito ba siya natulog? Di ko siya napansin kagabi ah? I looked at him.

Gwapo pa rin si Derek kahit tulog. He's wearing a black V-Neck Shirt and off white pants. 

"Enjoying the view?" - Derek

Hah?! Sht! Nagising na pala si Derek di ko man lang napansin! Leche! Tsk. Iniwasan ko na ang tingin niya pero nakita ko pa rin na napangiti siya. Argh! 

"I'm not Mr. Cardova. I was asking myself pano ka nakatulog jan sa couch?" - Anna 

"Baket? Gusto mo sa tabi mo ako matulog? Edi, nag-amazona ka na naman." - Derek 

"Great! Buti alam mo." - Anna 

"Saan ka kagabi?" - Derek

"None of your business, boy." - Anna

Happily Ever After is so Once Upon a Time IIWhere stories live. Discover now