STEP 3

11 3 0
                                    


Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ko dito sa kwarto ko. Pinagmamasdan ang patak ng ulan sa labas. Pinagmamasdan kung paanong tangayin at isayaw nun ang mga dahon sa labas.

It's Saturday so wala kaming pasok, wala din naman kaming school work so wala akong ginagawa. Not until something came up to my mind. Tumayo na ako sa pagkaka halumbaba sa bintana and pick my phone up, saka ko yung cinonnect sa speaker ko dito sa kwarto.

Pumili ako ng slow song, then as if on cue, namalayan ko na lang ang sarili kong sinasabayan na ang tugtug. I swayed my body to the right and extended my hand as if catching something to the air. Hold my chest and feel the song, then position myself to turn around.

Ganun lang ang ginawa ko sa paglipas ng minuto. Dancing out the emotions that I'm feeling right now. Creating my own rhythmic move, and forgetting the worries I'm thinking.

Hinayaan kong lamunin ako ng sarili kong imahinadong mundo. Hinayaan kong tangayin ng tugtug ang lahat ng pangamba ko. Hinayaan na ang katawan ko mismo ang gumalaw para panandaliang mawaglit ang mga isipin ko.

Pagkatapos ng tugtug, natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa gitna ng kwarto ko, nakaupo at nakayuko, na wari mo'y damang dama talaga ang huling step ng sayaw.  Tumayo na ako pagkatapos kong makapagpahinga, nagtungo sa speaker at pinatay na yun. Saka ko lang napansin na tumila na ang ulan at unti unti ng nagliliwanag ang paligid. Nakikita ko na rin na may mangilan-ngilan ng naglalakad sa labas na para bang walang naganap na malakas na ulan kanina lang.

Muling nanumbalik sakin ang isipin ko ng mapagtanto yun. How is it possible na umasta ang mga tao ng ganyan? Hindi man lang ba nila kagagalitan ang ulan dahil sa pagsira ng magandang panahon? Hindi ba nila kukwestyunin ang ulan sa page-exist nito sa mundo, kung gayung makapaminsala ito at kung minsan ay may kasama pang kulog at kidlat?

Ako lang ba ang nag-iisip ng ganito? Ako lang ba ang may galit sa ulan, na umaabot pa sa puntong gusto kong kwestyunin ang mundo dahil sa pagiging parte nito ng panahon? Siguro nga ako lang ang kaisa-isang taong kinasusuklaman ang ulan dahil sa mabigat kong dahilan.


~*~

"Ano ba Arthur? Paano naman kami ng anak mo ha? Paano naman kami kung gayong mas pipiliin mo ang babaeng yun kaysa samin ng anak mo?!" napapitlag ako ng marinig ko ang sigaw na yun ni mama. Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan para lang matagpuan silang nag-aaway na naman.


Ngunit alam kong sa puntong 'to ay may mali. May kakaiba. Nakaluhod si mama sa harap ni papa habang umiiyak. Nagtago ako sa gilid ng hagdan para hindi nila ako makitang dalawa. May hawak si papa na mga bag na siyang ipinagtaka ko.


"Pwede ba Sunny tumigil ka nga. Ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo na hindi na kita mahal. Wala na rin akong pakialam pa sa inyo ng anak mong yan. May mahal na akong iba, at mas minamahal ko pa sya kaysa sa inyo ng anak mo!" napatakip ako ng bibig ko ng marinig ko ang sinabi ni papa. Doon ko lang napagtanto ang dahilan kung bakit siya may hawak na mga bag sa kamay niya.

Pilit na nagmamakaawa si mama sa harap ni papa, pero nagulat ako ng malakas siyang sampalin nito. Napatulo ang luha ko ng makita ko kung paanong napabaling sa kanan ang ulo ni mama na nakahawak na ngayon sa labi niyang pumutok at nagdudugo na.

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan, hindi na inisip ang sitwasyong nangyayari sa baba. Niyakap ko si mama habang umiiyak. Naririnig ko ang malakas na hagulgul ni mama na wari mong nakikipag paligsahan sa ulan na ngayon ay muling bumalik dala ang kanyang malalakas na kulog at kidlat.

Matapang kong tinignan si papa na wari mong may magagawa na ako para pigilan siya kung sakaling saktan nya ulit si mama. Nakatingin lang din siya sakin, ng walang emosyong mababakas sa mukha. Para bang sa loob loob niya'y pinagtatawanan niya kami sa lagay namin ngayon, hinuhusgahan at tinatapakan sa isipan nya base sa senaryo sa harap niya.


"Arthur alam kong nagsisinungaling ka lang. Pwede pa naman nating maayos 'to. Pwede pa tayong bumalik sa dati. Ikaw, ako pati na ang anak natin!" sigaw ulit ng mama ko, pero sabay na gumuho ang mundo naming dalawa ng mas pinili kaming talikuran ni papa.

Iyak ng iyak si mama, habang hindi ko naman alam ang gagawin ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa pinto, sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa siya at makumbinsing manatili na lang kasama namin.

Sinugod ko ang ulanan, kahit na nanginginig ang tuhod ko ay mas pinili ko pa ring tumakbo, para maabutan siyang naglalakad na papuntang kotse niya.


"Papa!" sigaw ko para makuha ang atensyon niya, pero kagaya kay mama, nagbingi bingihan din siya na wari mo'y hindi na agad ako kilala.

Tumakbo ako para malapitan siya at ng nasa harap na niya ko ay bigla ko na lang siyang niyakap. Nanginginig man dala ng lamig at pagkabasa ng tubig ulan, na hindi ko namalayang muling bumalik kahit na kanina ay nagkakaron na sana ng liwanag.


"Ano ba Threa, alin ba sa mga narinig mo kanina ang hindi mo pa maintindihan ha?! Meron na akong bagong pamilya at sila ang pinipili ko kaysa sa inyo ng mama mo! Kaya kung maaari tumigil na kayo. Masaya na kami ng pamilya ko kaya wag na kayong manggulo!" nanggagalaiti at tila nawawalan na ng pasensyang sigaw niya.

Parang bigla akong tinamaan ng kidlat sa narinig. Pamilya? May pamilya siyang iba? Pano naman kami ni mama? Pamilya din naman kami diba? Napangiti ako ng mapait dahil sa mga isiping yun at saka tuluyan na siyang binitawan.

Pumasok siya sa sasakyan nya kahit na kapwa mga basa na sa ulanan. Pinaandar ang kotse at tuluyan ng lumayo sa bahay namin. Para akong naestatwa at hinayaan ang sariling tanawin ang kotse niyang papalayo, hanggang sa tuluyan yung mawala sa paningin ko at naiwan ang blankong kalsada na nilalamon ng malakas na baliwag ng ulan.

Paano niya nagawa to? Paano niya nakuhang ipagtangol ang bago niyang pamilya kung gayong kami yung mas may karapatang magalit sa kanila. Paanong naging makasarili siya at mas pinili ang iba kaysa sa kapakanan namin ni mama? Napaka makasarili niya. Napaka makasarili nilang lahat.

Kagaya ng ulan, hindi din siya pangmatagalan. Yung akala kong mananatili sa tabi ko, sa tabi namin ng mama ko, sa kabila ng bagyong duman, hayun nga't tuluyan na rin kaming iniwan. Nagpalamon sa baliwag ng ulan. Nagpatangay sa hangin at mas piniling suungin ang malalakas na kulog at kidlat kaysa sa manindigan para saming pamilya niya...

HULING SAYAWWhere stories live. Discover now