STEP 16

14 3 0
                                    

My afternoon class had been started and masasabi kong wala pa rin ako sa huwisyo para makinig ng lesson. Natapos ang buong lunch time ko ng parang wala lang. After ng nangyari kanina sa cafeteria wala ng imikang naganap sa pagitan ko at ni Ethan, but the rest seems not to care about it.

Prenteng nakaupo lang ako dito sa upuan ko katabi ng bintana, habang kinukopya ang kung ano mang nakasulat sa board. It was our 21st century literature subject and I must say that so far madali lang naman siyang intindihin, though I'm not really in the mood para mag-participate sa kanila.

Minutes have passed by at ganun lang nga ang ginawa ko. Wala ako sa wisyo para makinig sa sinasabi ng lecturer sa harapan, but my mind is busy thinking something else.

It's Friday afternoon by the way and five days na lang before Hap's birthday. Hindi ko alam kung may dapat ba akong gawin gayung were not on good terms naman. Siguro kung dati magkasama kaming magce-celebrate on his special day, pero ngayon malabo ng mangyari yun. Sa tingin ko ako na siguro yung pinaka huling taong pipiliin niya pang makasama sa araw na yun because we're not the same as what we are before.

After realizing things, gusto kong matawa sa sarili ko kasi bakit ko pa ba iniisip yun, kung gayong parang wala lang sa kanya.

Minutes have passed by at wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumunganga at magsulat ng kung ano ano. Mabuti na lang din at hindi ako napapansin nung lec namin dahil kung hindi, baka mapalabas ako ng wala sa oras nito.

"Good afternoon Miss, is Sad here?" agad naputol ang pagsesenti ko sa bintana ng marinig ko ang pangalan ko. Wala sa sariling napatingin ako sa may pinto only to find out na nandun sila Ethan.

"Miss Castellan kindly stand up please." The lecturer said, causing me to stand. Wala sa sariling napatingin ako sa paligid ko para lang makita ang mga mapanuring mata ng mga classmates ko. I even saw Hap looking in front kung nasan sila Ethan, so I immediately look away para di nya ako mapansin.

"What's the matter Mr Ventura? We're in the middle of our discussion if you all see."

"I'm sorry Ms, but this is an order from our P.E teacher Mr Gonzalo to pick up Sad and excuses her on her afternoon classes po. This is for our performance po kasi and orientation na din, since she's our new member." Narinig ko ang pagsinghap ng lahat maging ang kanilang mga bulungan dahil sa sinabi ni Ethan.

"I see. Ms Sad you can go now."

Agad ko naman inayos yung mga gamit ko at ng mailagay yun sa bag ko ay agad na akong pumunta kila Ethan. Nagpasalamat lang ako sa lec namin and after that we all storm out of that room.

Sabay sabay kaming naglakad sa hallway papuntang DS (dance studio). Binati lang ako nung iba saka bumalik ulit sa pagkukulitan nila. May mga nadadaanan kaming estudyanteng nakatambay sa labas ng mga rooms nila. Yung iba napatingin sa gawi namin most especially sakin, then magbubulungan ng kung ano. But d*mn who cares with that.

~*~


As soon as we get inside the DS room nagkanya kanya na silang ginagawa dun. Si Ethan ay dumiretso at pumasok sa isang pinto kasama si Ren. Rune and Hideo sat on the center of the room and laugh their ass up for who knows what their topic is. Si Ken naman, ayun humilata sa hilera ng upuan dun at nagpipindot sa screen ng phone niya habang parang timang na ngumingiti ng mag-isa.

So since I am being left at the entrance of the room umupo na lang din ako sa pinaka malapit na upuan sa tinatayuan ko. Put out my phone, plugged the earphones and play music on it. Isinalpak ko lang yun sa tenga ko saka umubob sa desk ko, at handa na sanang talikuran pansamantala ang mundo.


"The three of you get in here, may paguusapan tayo!" Ren's voice suddenly echoed in the entire corner of the room.

Bahagya ko namang iniangat ang tingin ko only to find out na pareparehong nakatingin na sa direksyon ko yung tatlong mokong. So me being me I just stared at them, giving my 'what's-your-problem look.' Nakuha din naman nila yun kaya alanganin na lang na ngumiti si Rune sakin while both Ken and Hideo give me a cocky smile saka ako kinawayan, sign na maiwan muna ako dun. Tinanguan ko lang din sila saka sumandal sa kinauupuan ko.

I don't know what they are up to, pero nung mabored na ko ay naglakad ako papunta sa center kung saan may malalaking mirror na nakadikit sa pader na mukhang pinasadya exclusive para sa dance club.

Tumayo ako sa gitna at saka ko matamang pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Sinusubukang pakiramdam ang paligid. And as soon as my favorite song had played mahina kung tinatap ang kaliwang paa ko. Slowly feeling the music. Sa tingin ko naman matagal pa silang lalabas sa kung ano man yung pintong pinasukan nila. And I guess hindi din naman nila ako makikita so there's nothing wrong kung sasayaw ako right?

HULING SAYAWWhere stories live. Discover now